Jerrah's PoV
“Dude, sigurado ako. May nakita akong babae kagabi do'n sa pool.”
Napaayos ako ng upo nang marinig ang sinabi ni Luigi. Napalingon ako sa kanila ni Brian.
“Luigi, alin lang yan. Kung hindi ka lasing , ay may nagmumulto sa bahay ninyo.” sabi naman ni Brian.
“Hindi ako lasing. I really saw her. And damn it! Ang ganda niya!” sabi pa niya hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman.
“Jerrah, namumula ka. Okay ka lang?” napatingin ako kay Caroline na nasa tapat ko na pala.
“A-ayos lang ako. Ito nga pala, para sa'yo.” sabi ko sabay abot ng isang sandwich na hiniwalay ko talaga para sa kanya.
“Oy, Jerrah. Nasaan iyon akin?” tanong ni Brian kaya inilabas ko na ang baunan ko at binigyan ko na rin si Luigi.
“Thank you.”
Mabilis akong nag-iwas tingin kay Luigi, medyo pansin ko na medyo kakaiba siya nitong nakakaraang araw. Bukod sa pagiging makulit niya ay madalas siyang mainis o hindi naman kaya ay masyado siyang mabait.
“Jerrah, may gwapong parating. Tingin sa kaliwa.” bulong ni Caroline kaya napatingin ako sa kaliwa.
Nakita ko agad si Phil, kaya mabilis akong tumayo at nagpaalam na pupuntang banyo. Hanggat maaari ay iniiwasan ko si Phil, may kakaiba kasi sa kanya at hindi ko alam kung bakit pero masama ang kutob ko. Isama mo pa iyong kakaibang kilos niya noong isang araw. Hindi ko masyadong nagagamit ang kapangyarihan ko nitong nakakaraan kaya nang mag-full moon sumama ang pakiramdam ko, at parang lalo iyong nadagdagan noong nilapitan ako ni Phil, mabuti na lang at dumating si Mario noon kaya nagawa kong lumayo sa kanya.
“Jerrah, wait.” rinig kong sabi niya pero hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala siya at sinasabayan ako. “Please, Jerrah. Look, I'm sorry if I scared the hell out of you.” sabi niya kaya natigilan ako at bumaling sa kanya. Doon ko napansin na wala na akong nararamdaman kakaiba ngayon. Tumingin ako sa mesa kung nasaan sila Luigi at medyo malayo na kami sa kanila.
Matagal ko siyang tiningnan at napaisip. May tanong ako na matagal nang kinikimkim at may gusto rin akong malaman kaya sinabihan ko si Phil na pumunta kami sa hardin.
“Phil, ano ba talagang kailangan mo sa akin? At anong alam mo sa dalawang babae na umatake sa akin noon?” tanong ko agad nang makarating kami sa hardin. Pansin kong natigilan siya pero walang bakas ng pagkagulat.
“I don't know what you're talking about.” sagot niya pero hindi ko magawang maniwala.
“Ikaw ba ang bantay na sinasabi nila?” tanong ko muli.
“I'm not a dog.” nakangising sagot niya kaya nakaramdam ako ng inis.
“I'm serious, Phil! At gusto ko ng mga sagot sa tanong ko!” reklamo ko.
“Jerrah, I like you.” biglang sabi niya kaya natigilan ako. Hindi ko alam kung joke ba yon o ano. “I'm serious too.” dugtong pa niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Bigla akong nablanko. Lahat ng gustong itanong ay bigla kong nakalimutan.
“May nakalimutan pala ako.” sabi ko na lang at umurong palayo sa kanya.
“I know that you love him, but I'll try my luck so just let me do what have to. Don't stay away from me.” sabi pa niya bago ako tuluyang makaalis.
Halos patakbo akong bumalik sa Cafeteria at hingal na hingal ako pag-upo ko sa tabi ni Caroline.
“Jerrah, okay ka lang? Namumula ka.” napatingin ako kay Rai.
“M-mainit kasi sa labas.” sagot ko na lang at napatingin sa katabi niya.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...