UHS-16

339 17 0
                                    

Luigi's PoV

Busy ko sa pagbabasa ng libro nang biglang dumating ang magbestfriend na kulang na lang ay hindi na maghiwalay.

"Yow!" bati ni Jerume kaya tumango ako. Agad silang umupo sa tapat ko at nilantakan ang mga pagkain na hindi ko pa nagagalaw. Good thing na tahimik ang cafeteria dito because of a certain person, kaya pwedeng dito ako magreview, habang kumakain.

"Dude, pagawa ka naman ng sandwich minsan kay Jerrah." sabi ni Brian kaya napataas ang kilay ko. He loves homemade food pero mas piniling tumira sa condo niya.

Speaking of Jerrah. We're back to strangers. Almost two weeks na simula noong samahan ko siya sa garden pero hindi na niya ulit ako kinakausap kaya hindi ko siya masyadong kinakausap. Abala siya sa pagtuturo kay Marian and after that lagi ko siyang nakikita sa kusina o garden na may binabasang lumang book. Minsan ay naririnig ko siyang masalita ng ibang language pero hindi ko alam kung ano. The weird thing is everytime na maririnig ko ang mga salita niya ay kinikilabutan ako or ang weird ng pakiramdam.

"Bakit hindi na lang kayo pumunta sa bahay?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Tiningnan ko ang phone ko para icheck kung may reply si Angela sa message ko pero wala.

Ilang sandali lang ay nakita ko nang papalapit sa amin si Raizon and as usual ay nakabuntot sa kanya iyong babaeng kinaiinisan niya. The girl who always wear a hoodie jacket.

"Rai, samahan mo kasi ako." reklamo ng babae paglapit ni Raizon sa amin.

"Caroline, hindi ako pwede." sagot ni Raizon kaya nagpamaywang si Caroline. We all know na iniiwasan ni Raizon ang ito.

"At bakit?" mataray na tanong niya.

"Sasama kasi siya sa amin." biglang sagot ni Brian. Nakangiti akong naiiling.

"What? Isasama n'yo na naman siyang mag-bar?" she glared at us kaya muli akong napa-iling. Masyadong obsess ang babaeng ito kay Raizon.

"Oy! Babaeng nakajacket kahit napaka-init. Magpi-picnic kami. Lamon mode sa bahay nila Luigi." alma ni Jerume kaya nagwalk-out si Caroline.

"Patay na patay talaga sa'yo si Caroline noh?" tanong ko kaya napairap si Raizon.

"You should tell her that you didn't like her para hindi ka niya kinukulit o sinusundan lagi." sabi ni Brian.

"Alam niyang hindi ko siya gusto. Kaya lang naman siya laging nakabuntot sa akin kasi wala siyang ibang kaibigan dito and you know her condition kaya hindi siya lumalapit sa inyo." sabi ni Raizon.

"Hindi naman nakakahawa di ba?" tanong ni Jerume kaya napa-iling siya.

Naging abala na ako sa cellphone ko at sinubukang tawagan si Angela. This past few days ay hindi kami masyadong nagkikita at madalang din siya magtext o tumawag.

"Sige, una na ko. Text ninyo ko kapag matutuloy sa inyo." sabi ni Raizon at tumayo na kaya napatango ako.

Pag-alis niya ay may napansin akong wallet sa sahig. Kinuha ko ang wallet at binuksan pa tiningnan kung kanino iyon. Nakakita ako ng dalawang picture. Sa first picture ay stolen shot. Nakangiti ang babae habang nakaupo sa damuhan. Then, next is kasama na si Raizon, they're wearing an formal attire.

"Kanino yan?" rinig kong tanong ni Jerume pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa picture ng babae. She looks familiar. "Ang ganda. Jowa ni Raizon?" tanong pa niya na ngayon ay nakatingin na rin sa pictures. Napatango ako, sa unang picture pa lang masasabi ko nang maganda nga ang babaeng ito kahit walang kaayos-ayos. Then, sa second picture ay mapapa-wow ka na lang.

"Patingin nga." sabi ni Brian kaya iniharap ko sa kanya ang picture. "Maganda kaya lang mukhang inosente at mabait." sabi pa niya kaya napatango ulit ako. Pero I have this feeling na nakita ko na ang babaeng ito. Plus ang ganda niya talaga.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon