Luigi's PoV
"Hey!" napatigil kami ni Gianne sa paglalakad noong makasalubong namin ang kanong kaibigan ni Jerrah. "Have you seen, Jerrah?" tanong niya, pansin kong balisa siya at palinga-linga sa paligid.
"Hindi ba kasama mo siya kanina?" tanong ko. Nakita ko silang lumabas sa library noong papunta ako kay Gianne.
"Yeah... but she ran away suddenly and I got lost." paliwanag niya at napakamot pa ng ulo.
"Saan mo siya huling nakita?" napatingin ako kay Gia dahil sa tanong niya. "Baka hinahanap siya ni Jerrah." sabi pa niya.
'Asa namang hahanapin ni Jerrah yan.' isip-isip ko pa.
"Let's help him. Baka naligaw din si Jerrah kasi bago lang rin siya dito." sabi pa ni Gianne kaya napangiti ako. Ang bait talaga niya. She know Jerrah pero hindi ko pa siya pormal na naipapakilala kay Jerrah dahil sa pag-iwas nito sa akin.
Ang sabi ni Phillip ay malapit sa library niya huling nakita si Jerrah kaya doon kami naghanap.
Natigilan ako sa paghahanap kay Jerrah nang biglang tumakbo si Phillip papunta sa isang eskinita patungo sa likod ng auditorium.
Balak ko sanang sumunod pero natigilan ako nang makarinig ng malakas na ingay. Parang may kung anong sumabog.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Nanggaling sa likod ng auditorium ang ingay kaya mabilis akong tumakbo patungo roon.
Nakita ko si Phillip na nakatayo sa tapat ng isang pinto. Lumapit ako sa kanya habang pilit niya iyong binubuksan pero mukhang nakakandado ito mula sa loob.
May naririnig kaming malalakas na kalabog mula sa loob. May mga mahihinang boses kaming naririnig pero hindi namin maintindihan.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko, iba ang kutob ko. Kinikilabutan ako sa lugar na ito.
"Tama na! Tigilan n'yo na ko!"
Natigilan ako noong marinig ng malinaw ang boses ng sumigaw. Shit!
Mabilis kong hinawi si Phillip sa pinto at ako na ang nagpupumilit na buksan iyon.
"Jerrah!?" sigaw ko.
"Jerrah? Jerrah!" tawag din ni Phillip pero walang sumasagot.
"Luigi, Anong nangyari?" napatingin ako kay Melvin noong dumating siya.
"I don't know pero nasa loob si Jerrah!" sabi ko at pilit na binuksan ang pinto ngunit kahit anong bunggo ko ay ayaw pa ring bumukas.
"What!? Are you sure?" gulat na tanong niya.
"Oo, narinig ko siyang sumigaw!" sagot ko dahilan para matigilan siya. Pansin ko na may hindi sinasabi si Melvin. "What's wrong?" tanong ko.
"Do you hear the explosion a while ago?" tanong niya kaya napatango ako. Hindi kalayuan ang office ni Melvin dito kaya I'm sure narinig niya yon. "May nag-report na staff, dito daw sa room nanggaling ang ingay kanina." paliwanag niya.
Fuck!
"Jerrah!" tawag ko pero wala kaming nakukuhang sagot mula sa kanya. Ilang sandali pa ay nakarinig na naman ako ng mga sigaw mula kay Jerrah!
'Damn! Ano bang nangyayari sa loob?'
"Fuck! Melvin, get the fucking keys!" sigaw ko kaya may tinawagan siya. Pagbaling kong muli sa pinto ay natigilan ako, may naamoy akong kakaiba.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...