Jerrah's PoV
“Jerrah, tikman mo itong niluto ko.”
“Ito ring akin. Tapos may buko salad na dessert mamaya, tikman mo rin.”
“Jerrah, sama ka sa amin mamaya magmo-movie marathon kami.”
“Bawal magpuyat may pasok kayo bukas.”
“Eh? Dalawang movie lang, Tito!”
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Tumatango lang din ako kapag tinatanong o inaalok. Tumingin ako sa mga kasabay kong kumain sa isang malaki at mahabang mesa. Ang dami namin at ang ingay pero masaya, isama mo pa na may iba't-ibang klase ng pagkain na lagi nilang ibinibida sa akin. Masyado akong welcome kahit na ilang araw pa lang ako dito. Nawala ang ngiti ko noong mapansin na may kulang.
“Okay ka lang?” tanong ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti bago umiling. “Come on, you can tell me if something's bothering you.” sabi pa niya.
“Phil, Medyo malabo ang alaala ko pero may magulang pa ako 'di ba? Nasaan sila?” tanong ko.
“They're fine and they live somewhere near but you can't see them. You know the reason, right?” tanong niya kaya tumango ako at muling ngumiti. “Here, try this drink. Ginawa ni Mama para sa'yo.” sabi niya at inabot ang isang baso ng juice.
Natapos ang hapunan at inaya ako ni Phil na maglakad-lakad. Malaki itong compound, maganda at malinis. Hawak ni Phil ang kamay ko at nakangiti siya habang naglalakad kami.
“Are you sure that you're fine? Wala kang nararamdaman na kakaiba?” tanong niya kaya umiling ako.
“Wala na, ang galing kasi nang nag-aalaga sa akin.” nakangiting sagot ko.
Bigla ko tuloy naalala noong unang beses akong dinala ni Phil dito. Nanghihina ako at ang bigat ng pakiramdam ko. Parang pagod na pagod ako at hindi ko alam kung bakit.
“Nambobola ka pa. How about you're spells? Can you use it?” tanong niya kaya natigil ako sa paglalakad at gano'n din siya. “You haven't tried it, right?” tanong niya kaya tumango ako.
“Natatakot ako.” sagot ko.
Hindi ko alam kung bakit. Pinaliwanag na ni Phil ang lahat ng nangyari sa akin, kung bakit ganito ang itsura ko at kung bakit mas pinili kong sumama sa kanya.
“You need to use that. Magkakasakit ka na naman.” sabi niya kaya tumango ako.
Bumalik na kami sa bahay at doon niya sinabi na papasok na ulit ako para hindi ako mainip sa compound.
Kinabukasan ay isinama niya ako sa university para papalitan ang mga schedule ko. Naging maayos naman ang lahat at pansin ko na parang hindi na bago sa akin ang university na ito. Hindi rin ako pinagtutuonan ng pansin ng mga estudyante na parang sanay na sila sa itsura ko pero may isang tao na hindi maalis ang tingin sa akin, ang dean. Hindi ako naging komportable noong kausap namin siya at nakahinga lang ako nang maluwag noong lumabas kami. Hindi agad kami umalis sa university dahil itinuro pa muna ni Phil ang mga room na dapat kong puntahan at pinagbawalan din niya ako pumunta ng cafeteria o dumaan sa isang building na itinuro niya.
***
“May gamot diyan sa bag mo, incase na sumakit ang ulo mo. Huwag ka masyadong lumapit sa mga kaklase mo at kung sakaling guluhin ka nila lumayo ka na lang.” bilin ni Tita kaya tumango ako, ilang sandali pa ay may inabot siyang paper bag. “May juice at fruits akong nilagay sa baon mo kaya ubusin mo yan.” sabi pa niya.
“Ay! hindi n'yo naman po kailangang mag-abala.” sabi ko pero pilit niyang inabot ang paper bag kaya wala akong nagawa kundi kunin iyon. “Salamat po.” sabi ko na lang at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...
