Jerrah's PoV
“Aalis ba talaga tayo kapag ginulo niya ulit ako?” tanong ko kay Phillip habang nagluluto kami ng hapunan.
Kahapon noong sinabi niya iyon ay ayos lang naman sa akin pero noong makapag-isip ako ay doon ko napagtantong ayokong lumayo.
“Yes, but if you don't want to then, we'll stay here and make sure that he wont bother you anymore.” sagot niya kaya napatango ako. “Last night you're fine with the idea, so why a sudden change of heart?” tanong niya.
“Mga magulang ko. I know na hindi ako pwedeng magpakita sa kanila pero gusto ko sanang nasa malapit lang nila ako.” sagot ko.
Ngumiti siya at tumango. Inalok pa niya ako na pwede naming pasyalan ang tatay ko at tingnan kahit sa malayo lang pero tumanggi ako. Ayos na sa akin ang kaalaman na maayos ang lagay nila.
Naging abala na kami sa pagluluto. Ako ang naghihiwa ng ilang rekado habang si Phil ang nagluluto. Wala si Tita Mildred dahil siya ang nagbabantay kay Lola Leonila.
Ilang araw na silang nagiging balisa dahil sa panakha-nakhang pagising ng matanda. Hindi ko alam kung bakit sila balisa samantalang dapat ay matuwa sila.
Saktong tapos na magluto si Phillip ay may kumatok sa pinto ilang saglit lang ay bumukas iyon.
“Kuya Phillip?” napatingin kami sa pinto at nakita si Sierine.
Mabilis akong tumabi kay Phil dahil hindi ako komportable sa kanya. Silang dalawa ni Roweine ang umatake sa akin noon sa university.
“Yes?” tanong ni Phil at inakbayan ako.
“Eww… maghiwalay nga kayo kahit saglit lang.” maarteng sabi nito at pumasok. “Penge ako ng vinegar naubos stock namin and hahanapin din ako ng mga fruits and herbs sa stock ni Tita. By the way, pinapatawag ka pala ni Papa may itatanong siya. Pumunta ka daw sa bahay ni Lola.” sabi nito.
“I'll wait for you.” sabi ni Phil kaya napamaang ito.
“Kuya, move on. Go ahead na hinihintay ka ni papa and don't worry wala naman akong gagawin sa girlfriend mo.” sabi nito at nagkalkal na ng mga gamit sa kusina.
Tumingin muna sa akin si Phillip at parang hinihintay niya ang sasabihin ko.
“Wala naman siguro siyang gagawin.” sabi ko na lang.
“Then, I'll go ahead. If she tries to do something, don't hesitate to use some incantations.” bilin niya bago umalis kaya tumango ako.
Paglabas ni Phillip sa pinto ay napatingin ako kay Sierine na kumukuha na ng mga natagong herbs sa garapon.
“Huwag kang matakot sa akin.” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. “Kaya ka namin sinugod noon ay para gumaling si Lola. Me and Roweine believed that Lola's illness was connected to you. We tried to help pero napasama lang kami dahil muntik ka nang mapahamak.” sabi pa niya at humarap.
“Ha?” naguguluhang tanong ko.
“Oh? Hindi mo nga pala maiintindihan. But, what I'm trying to say is hindi kami ang dapat mong katakutan kundi iyong boyfriend mo kuno.” babala niya kaya napakunot-noo ako.
“Ano bang gusto mong sabihin? Mabuting tao si Phil at ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ko.” pagtatanggol ko kay Phil dahilan para mapangisi siya.
“He's definitely gifted, eh? Then, kahit ano pala ang sabihin ko ay hindi na magbabago ang tingin mo sa kanya.” sabi pa niya at nagsimula nang lumakad paalis pero bago pa siya malakabas ng bahay ay muli siyang bumaling sa akin.

BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...