“Luigi! What are you doing!?”
Natigilan ako no'ng marinig ang boses ni Mama. Mabilis siyang lumapit sa akin.
“What are you doing!?” mariing tanong niya, doon ko napansin na kasama niya si Tito Lito at isa pang babae na pamilyar.
“Ma, may magnanakaw na nakacostume!” sabi ko at binalingan ang babae sa harap ko na dinadaluhan ni Tito at no'ng isa pang babae.
“For Pete's sake! Ibaba mo yang vase, hindi siya magnanakaw.” suway ni Mama, kaya nagtataka kong ibinaba ang vase.
“Bakit kasi nakacostume siya!? Hindi ba niya alam ang kasabihan na biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising!” reklamo ko at tumingin sa babaeng nakacostume.
Doon ko napansin na umiiyak siya habang kausap ni Tito. Napansin ko na may mga bandage siya sa braso at binti.
“Luigi, shut up or gusto mong tahiin ko 'yang bibig mo.” banta ni Mama kaya napatingin ako sa kanya na lumapit din sa babaeng nakacostume. “Okay ka lang? Pasensya na, may pagkabaliw ang anak ko.” sabi ni Mama. I was about to complain pero tinginan niya ako ng masama kaya tumahimik na lang ako.
Binuhat ni Tito iyong babae at dinala sa sala. Sumunod ako at hindi na nagtanong dahil baka magalit na naman si Mama.
“Okay ka na ba?” tanong ni Mama doon sa nakacostume na babae at inabutan niya ng tubig. I frowned at the sight. Who is she? Why my mom looks really worried about her? “I think na-trauma ka sa nangyari, you're shaking badly.” sabi ni Mama.
“What!? Wala pa naman akong ginawa sa kanya!” reklamo ko, and again my mom glared at me. I shift my gaze at the girl in a creepy witch prosthetics. Parang totoo ang mga prosthetics na nilagay sa mukha niya. Idagdag pa ang maruming damit na may mantya ng dugo.
Seriously, what's going on here? Matagal nang tapos ang Halloween.
“So? Bakit siya nakacostume? Extra ba siya sa isang horror film?” tanong ko at napatingin ulit sa mukha niya. Napansin kong napatingin din siya sa akin at mabilis na umiwas ng tingin. Sa ilang segundo na nagtitigan kami ay napansin kong ang ganda ng mga mata niya. Kitang kita ang pagka-brown.
“How many times do I have to tell you to shut your careless mouth? Hindi siya nakacostume kaya manahimik ka diyan or just go away! We have to talk peacefully, kaya anak lumayas ka muna.” taboy ni Mama habang ako ay napatulala sa mga sinabi niya.
Hindi costume yan?
**
Jerrah's PoV
Habang nag-uusap si doktora at ang mga magulang ko ay hindi ko maiwasang mailang dahil nakatingin pa rin sa akin iyong lalaki simula nang patahimikin siya ni Doktora.
Tingin ko ay kaedad ko siya o mas matanda siya sa akin ng isang taon. Kung tama ang pagkaka-alala ko siya ang ikinukwento ni tatay na anak ni Doktora.
“Hindi costume yan?” tanong niya dahilan para mapatingin ako saglit sa kanya bago bumaling ulit kay doktora na nakikipagkumustahan na lang kay nanay.
Kanina ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagtira namin dito panandalian habang naghahanap ng malilipatan si Tatay, pero dahil sa lalaking nakamasid sa akin ay hindi ko magawang ipirmi ang atensyon ko sa usapan. Ang naintindihan ko lang ay dito na lang kami titira at magtatrabaho si nanay bilang kasambahay.
Gusto kong umalis at pumunta sa kung saan malayo sa lalaki ito na kung makatingin sa akin ay parang ngayon lang nakakita ng pangit.
“Pwede bang tigilan mo ang pagtitig.” mahinang sabi ko.

BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasíaThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...