Dalawang taon nang patay?
"T-tito, huwag ka namang magbiro ng ganyan. Kung galit si Jerrah sa akin, I'm here to apologize." paliwanag ko.
"Umuwi ka na. Amoy alak ka kaya tigilan mo kami. Kakausapin ko si Doktora bukas para pagsabihan ka." sabi ni Tito at halos ipagtulakan ako palabas ng gate.
"Tito, hindi ako lasing!" sigaw ko at kinalampag ang gate nila.
"Luigi!" natigil ako noong marinig ang boses ni Lola.
"Lola, anong nangyayari? They said that Jerrah is dead!? Kausap ko siya kanina lang!" asik ko.
"Who's Jerrah?" tanong ni Lewis kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.
"We can't do anything now. Mas mabuti pang kalimutan mo na rin si Jerrah. I'm sorry." sabi niya kaya napamaang ako.
"What!? I can't! What's happening, La?" tanong ko.
"Mas makakabuti iyon para sa'yo. Wala na si Jerrah at maaaring hindi mo na siya makita muli." sabi niya at nagpaalam ng hindi man lang pinapaliwanag sa akin ang nangyayari.
Wala akong ibang nagawa kundi ang umuwi ng bahay. Gulong-gulo ako at napu-frustrate na ako. Pagdating ko sa bahay ay agad kong sinipa ang isang vase na disenyo sa aming sala at lumikha iyon ng ingay.
"K-kuya?" Napatingin ako kay Marian na kabababa lang, ilang saglit ay lumitaw rin si Mama.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"May problema pa rin ba kayo ni Ate Jerrah?" tanong ni Marian.
"Jerrah? Sinong Jerrah? May bagong girlfriend ka?" tanong ni Mama kaya nagkatinginan kami ni Marian.
"Ma, sabog ka ba? Si Ate Jerrah anak ni Tito Lito." paliwanag ni Marian kaya kumunot ang noo niya.
"A-ano bang sinasabi ninyo? Matagal nang patay ang anak ng Tito Lito ninyo. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya." sabi pa ni Mama at nag-sign of the cross.
"Ma, huwag ka nga magbiro ng ganyan." sabi ni Marian at muling napatingin sa akin.
"Kayo ang tumigil sa pagbibiro. Huwag ninyong banggitin ang pangalan ni Jerrah kapag pumunta dito ang tita Cora ninyo dahil hindi pa rin niya tanggap ang pagkamatay ni Jerrah." bilin pa ni Mama at inutusan akong ligpitin ang ikinalat ko.
"Kuya, what's going on?" tanong ni Marian na parang naguguluhan din sa nangyayari.
"I don't know pero ganyan din ang sinani nila Tito sa akin kanina."
***
"Jerrah? Wala akong kilala na gano'n." sagot ni Brian at bumaling kay Jerume.
"Wala." sagot nito.
"Ano nga ulit pangalan?" tanong ni Caroline.
"Jerrah." sagot ko dahilan para mapatingin siya kay Raizon.
"May kilala kami ni Caroline... Jerrah Sercado." sagot ni Raizon kaya nabuhayan ako pero agad ring naglaho ang pag-asa. "Pero matagal na siyang patay. Bakit mo ba natanong kung may kilala kaming gano'n?" tanong niya kaya napa-iling ako.
"Kuya, what's going on? Bakit pati sila Eliza at Heart hindi maalala si Ate Jerrah?" tanong niya noong magkita kami sa parking.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Nagulat na lang ako no'ng bigla siyang umiyak.
"Nasaan ba kasi si Ate?" tanong niya.
Malapit sila sa isa't-isa at alam kong hindi niya gusto ang naririnig niya kapag tinatanong niya si Mama tungkol kay Jerrah na ang laging sagot ay patay na ito.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...