UHS-26

329 17 2
                                    

Dapat akong matuwa pero bakit ako umiiyak. Gusto ko ito pero bakit ako nasasaktan.

Bakit ba kasi hindi ko napigilan? Bakit ba kasi kahit anong inis ko sa mga panglalait niya ay mas nakikita ko ang pagpapahalagang pinakita niya? Sinubukan ko namang lumayo pero bakit lalo akong napalapit sa kanya?

'Gusto na kasi kita!'

Tandang tanda ko ang reaksyon niya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsalita. Binuksan niya ang sasakyan, at noong nasa biyahe kami pauwi ay hindi rin siya nagsalita.

Wala na akong kahit anong narinig mula sa kanya kaya pagpasok ko sa kwarto namin ay tahimik akong umiyak. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko noon. Wala naman akong inaasahan na kung ano pero may parte sa akin na nasasaktan.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-iwas kay Luigi at pag-aalaga kay Levi pero ilang araw lang ang lumipas ay bumalik na si Lola Alyana para sunduin si Levi. Maraming inihabilin si Lola pero paulit-ulit niyang sinabi na mag-ingat ako sa mga taong biglang lalapit sa akin.


Tatlong buwan na ang nakalipas mula no'ng nangyari iyon.

Pumapasok na ako sa unibersidad at bukod sa kakaibang tingin na natatanggap ko araw-araw ay wala namang gumugulo sa akin at halos wala ring lumalapit dahil na rin sa pananakot ni Melvin noong nagkaroon ng orientation. Ipinakilala ako sa lahat ng estudyante na naroon at sinabihan ang mga ito na huwag akong guguluhin or pagti-tripan. Suspension daw agad ang punishment. Nawindang ako sa totoo lang pero mainam na rin siguro dahil wala talagang gumugulo o nagtatangkang magtanong tungkol sa itsura ko.

"Jerrah, uso ba talaga ang nagbabaon kapag mahirap?" tanong ni Caroline habang tinitingnan ang mga sandwich ko.

"Caroline..." suway ni Rai.

"What? I'm just asking!" reklamo niya at kumuha ng sandwich.

"Gusto lang ni Nanay at nasanay na rin ako." sabi ko na lang.

Hindi ko alam kung lango ako nitong mga nakakaraang buwan, hindi ko kasi namalayan na close na pala kami ni Caroline at lagi rin naming kasama si Rai.

"May kilala rin ako dati na mahilig magbaon ng mga ganyan." sabi pa ni Caroline pero agad na umiling. "Nevermind. Samahan mo ko sa library mamaya ha!" sabi niya kaya tumango na lang ako.

Ilang sandali pa ay nakakita ako ng kamay na dumadampot sa huling sandwich ko kaya mabilis ko iyong hinampas ng libro.

"Aray! Pangit ka na nga, madamot ka pa!" reklamo ni Brian.

"Mayaman ka nga, kuripot ka naman!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ay putek! 'Wag mo kong panlakihan ng mata at baka bangungutin ako mamaya pagtulog ko." reklamo ulit niya kaya napasimangot ako.

"Gago! Bullying yan, baka isumbong ka niyan kay Melvin. Suspended ka pag nagkataon. At siguradong hindi ka na naman ga-graduate." sabi ni Jerume at binati ako.

"Ang sabihin mo masyadong mahal ni Brian ang university na ito kaya ayaw na umalis." sabat ni Caroline.

"Close ba tayo? And for your info, dalawang subject lang ang bagsak ko." depensa niya

"Major subjects." sabi ko at inabot ang sandwich para hindi siya mapikon sa amin.

"Letche, kapag ako nakagraduate, Who you kayo sa akin." sabi niya at agad kumain.

Nagkatawanan kami at dahil nakikita nila akong tumawa ay ako ang napagtripan nila.

"Akala ko talaga dati galit ka sa mundo." sabi ni Jerume kaya natigilan ako.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon