Note: kakatapos ko lang gawin nito at pinost ko agad kaya baka matagalan ang next ud.
*****
“Jerrah… I love you.”
Mahina lang ang pagkakasabi niya pero malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko.
Alam kong dapat matuwa ako pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Napaiwas na lang ako ng tingin kay Luigi at mukhang natauhan din siya.
“I-I'm sorry.” iyon lang ang sinabi niya at umalis sa harap ko.
Pagpasok ko sa kwarto namin ay parang naubos ang lakas ko at napaupo sa sahig. Napahawak ako sa dibdib ko at ang lakas pa rin ng tibok nito. Gulong gulo ako at hindi ko malaman kung ano ang dapat isipin.
Napapikit ako at ang unang imahe na pumasok sa isip ko ay ang magkadikit na labi namin. Biglang uminit ang pakiramdam sa mukha ko kaya agad akong nagmulat.
“Ah! Mababaliw ako nito!” sabi ko at sinabunutan ang aking sarili.
***
Ang balak ko ay umiwas at mangpanggap na parang walang nangyari pero mukhang imposible iyon. Dahil imbis na si Tatay ang maghatid sa amin ni Marian ay si Luigi na ang gumagawa noon.
“I can feel the awkward ambiance everyday. Nanyare? Ilang araw na kayong ganyan?” tanong ni Marian pero walang sumagot sa amin.
Pagdating sa university ay mabilis akong humihiwalay sa magkapatid. Kahit pagdating ng vacant ko, hindi ako sumasabay sa kanila at mas pinipili kong mapag-isa. Dahil kasi sa nangyari noon sa cafeteria ay napansin kong marami na ang nakamatyag sa akin.
“Jerrah, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.” napatingin ako sa papalapit na si Caroline. Nakangiti siya pero pansin kong maputla ang kulay niya.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko. Kahapon ay hindi siya pumasok at wala rin si Rai.
“O-okay lang.” sagot niya at umupo sa tabi ko. Doon ko napansin na parang ang lalim ng paghinga niya. “Jerrah, pwede ka bang magsleep over sa bahay?” tanong niya.
“Huh? Bakit?” tanong ko. Masyadong biglaan ang pag-aaya niya.
“Wala naman, gusto ko lang. Paalam ka sa mom mo or pwede kitang ipagpaalam.” sabi niya pero nag-aalangan talaga ako.
“Caroline, okay ka lang ba talaga?” tanong kong muli.
“Oo, kailangan ko lang ng makakasama ngayon.” sabi niya.
“Magpapaalam muna ako tapos text kita.” tumango siya bilang sagot kaya inalok ko siya ng makakain.
Habang kumakain kami ay pansin ko ang pagiging tahimik ni Caroline. Normally kasi ay madaldal siya at noong isang araw din ay kinukulit niya ako at tinatanong tungkol sa nangyari sa cafeteria.
Nang matapos kaming kumain ay iniabot ko ang isang bote ng tubig kay Caroline. Tiningnan ko siyang mabuti habang iniinom iyon. Noong nakaraang linggo ay lagi akong may dala na bottled water na para lang kay Caroline. Sinisigurado kong iniinom niya iyon pero wala akong nakikitang pagbabago. Hindi kasi normal na tubig ang nakalagay sa boteng iyon, may halo iyong gayuma na maiaaring makapagbawi ng sumpang ibinigay ko sa kanya.
Pansin kong matagal na napapikit si Caroline matapos inumin ang binigay ko. Naghintay ako kung anong mangyayari pero mukhang bigo pa rin ako na makita ang gusto kong resulta. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpaalam na siya sa akin. Tiningnan ko lang siya hanggang makalayo na.
“She'll be fine.”
Napatingin ako sa gilid ko noong biglang may magsalita at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita si Phillip na nakaupo sa tabi ko.

BINABASA MO ANG
Under her spell
FantastikThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...