"Huwag kang mainggit maghihiwalay din sila."
Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Marian. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi ako naiinggit." sabi ko kaya napatango siya.
"I know. Hindi naman talaga dapat. Ito ang tatandaan mo ate. Walang forever." mariing sabi niya.
Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso ba siya pero hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa ako sa kanya. Halatang halata na ayaw niya talaga sa girlfriend ng kuya niya.
Natigil lang ako sa pagtawa noong mapansin na nakatingin lang sa akin si Marian na parang gulat na gulat. Tumingin ako sa sala at napansin na nakatingin din si Luigi sa akin. Mula naman sa pinto ng kusina ay nakita kong nakatayo si Nanay at doktora, nakatingin din sila sa akin.
"Medyo nakakapanibago, pero ang gandang pakinggan ng tawa mo, ate." nakangiting sabi niya dahilan para matahimik ako.
"Hindi bagay sa itsura mo ang tawa mo." napatingin ako kay Luigi pero imbis na sumagot ay tumingin ako kay Angela. Nakita ko ang pag-nguso niya pero hindi na nagsalita. Hindi ko alam pero habang nakatingin ako sa kanya ay si Caroline ang naaalala ko.
'Maganda pero mukhang may tinatagong sungay.'
"Walang humihingi ng opinyon mo." matabang na sabi ko at tumalikod na para magpunta sa kusina at tumulong kay Nanay sa paghahanda ng hapunan.
**
Hindi niya ako pinapansin. Tatlong araw na matapos akong ipakilala ni Luigi sa girlfriend niya, at hanggang ngayon ay hindi na niya ako kinukulit o kinakausap. Siguro ay nagalit talaga siya sa ginawa ko.
'Ang babaw niya.'
Pero para sa akin mas mabuti na rin na hindi niya ako ginugulo.
"Jerrah, Aalis kami bukas ng tatay mo para kunin ang ibang gamit natin sa probinsya." sabi ni Nanay. Tumango lang ako dahil hindi naman ako pwedeng sumama.
"Nay..." tawag ko pero agad na umiling. May gusto akong malaman pero wala ata akong karapatan na kumustahin si Mary. "Wala. Mag-iingat na lang po kayo." sabi ko at lumabas ng kwarto namin.
Balak ko sanang pumunta sa hardin pero natigil ang paglabas ko noong makita ko ang magkapatid na nagsu-swimming sa pool kahit gabi na. Lalampasan ko na sana sila pero tinawag ako ni Marian kaya huminto ako at lumingon sa kanya.
"Saan ka punta?" tanong niya kaya itinuro ko ang hardin na hindi naman malayo sa pool. "Ayaw mong maligo dito sa pool?" tanong niya.
Minsan hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ni Marian. Hindi kaya siya kinikilabutan dahil sa mga sinasabi niya sa akin? Masyado siyang kaswal kung umakto, parang hindi ako kakaiba. Naalala ko noong minsan ay sinubukan niyang ayusin ang buhok ko pero napagod lang siya dahil kahit anong suklay niya ay hindi naman umayos ang buhok ko. Pati nga kilay ko sinubukan niyang ayusin pero kinabukasan ay kumapal ulit.
"Salamat na lang." sabi ko at tumalikod na. Ilang sandali lang umahon siya at kumuha ng tuwalya bago sumunod sa akin.
"Ang lamig!" reklamo niya paglapit sa akin. "Ate, bakit hindi kayo nagpapansinan ni Kuya?" tanong niya kaya nagkibit-balikat lang ako.
Hindi na ulit siya nagtanong at pumasok na sa loob ng bahay para makaligo. Mula sa kinalalagyan ko ay napatingin ako kay Luigi na palutang-lutang lang sa pool. Nag-iwas tingin ako noong umahon siya at tumingin sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...