UHS-8

367 13 0
                                    


Napa-ungol ako nang makaramdam ng kung anong malamig na bagay ang humahaplos sa balat ko. Gusto ko sanang magmulat ng mata pero hindi ko magawa dahil parang ang bigat ng talukap ko, pati na rin ang katawan.

"Ano ba talagang nangyari?"

"H-hindi ko alam. Nagkakagulo ang lahat sa bayan at noong tingnan ko ay kinukuyog na siya ng tao."

"Bakit lalong lumala ang sakit niya? Halos hindi ko na siya nakilala."

Mahina lang ang mga boses ng nag-uusap.

"Kagabi ko lang rin nakita yan. Hindi ko rin siya agad nakilala."

Kagabi. Biglaang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari. Matinding takot agad ang nadama ko kaya mabilis akong napamulat. Hindi pa malinaw ang paningin ko pero may nakita akong tao sa tabi ko. Mabilis akong naalarma at umatras para lumayo sa katabi ko, pero napigil ang pag-atras ko nang tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Napadaing ako sa sakit pero agad akong nataranta ng may humawak sa kamay ko.


"B-bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko, ramdam ko ang pagsakit ng buong katawan ko at ang mabilis na tibok ng puso ko, nagsimula ang panginginig ng buong katawan ko habang nagpupumiglas sa taong humahawak sa akin.

"Anak, huminahon ka."

Sinubukan ko pa ring magpumiglas pero nang mapagtanto kong pamilyar ang boses niya ay dahan-dahan akong nag-angat ako ng tingin.

"Ayos na. Malayo na tayo sa kanila." malumanay na sabi ni Nanay at niyakap ako.

Nagsimulang manlabo ang paningin ko dahil sa luha, niyakap ko ng mahigpit si nanay at dahan-dahang nawala ang panginginig ko pati na rin ang takot na nararamdaman ko. Ilang sandali pa bago kumalas si Nanay sa pagkakayakap at tiningnan ang mukha ko.

"Linisin ko mga sugat mo." sabi niya kaya napatingin ako sa katawan ko. May mga sugat, pasa, at gasgas ako sa mga braso at binti ko.

Tumango na lang ako at napatingin sa paligid. Doon ko napagtanto na nasa isang umaandar na sasakyan kami. Napatingin ako kay tatay na abala sa pagmamaneho.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kaya patingin sandali sa akin si Tatay.

"Doon na muna kayo sa maynila. Hindi ka ligtas sa bayan natin. Kakausapin ko si Doktora na doon muna kayo habang naghahanap ako ng matitirhan natin." paliwanag ni Tatay. Bumaling ako kay na nanay na pinapahiran ng gamot ang mga sugat ko sa kaliwang braso.

"Jerrah, ano ba talagang nangyari?" tanong ni Nanay at tumingin sa akin matapos gamutin ang kaliwang braso ko. "Masyadong mabilis ang mga pangyayari kagabi. Nagkagulo ang lahat dahil sa balitang nakita na ang mangkukulam pero bakit ikaw ang hinahabol nila?" mahinang tanong niya bago bumaling kay tatay na abala sa pagmamaneho.

"Hindi ko alam, nay. Hindi ako ang mangkukulam na sinasabi nila." sagot ko.

"Mamaya na natin pag-usapan. Hindi ko pa nababanggit sa tatay mo ang tungkol sa kapangyarihan mo." bulong niya bago ipinagpatuloy ang pangagamot sa mga sugat ko. Tumango lang ako at ibinaling ang tingin sa labas.

Hindi ko alam kung nasaan na kami pero pasikat pa lang ang araw. Tahimik lang ako sa biyahe, minsan ay tinatanong ni nanay kung may masakit ba sa akin o kung hindi ba ako nahihilo o kung nagugutom na ba ako.

Makalipas ang ilang oras ay huminto muna si Tatay sa isang fast food chain para bumili ng makakakain. Sinamantala ni Nanay ang pag-alis ni tatay para magtanong.

"Jerrah, anong ginawa mo kay Mary?" nagulat ako sa biglaang tanong niya kaya napa-iwas ako ng tingin. "Jerrah, tinatanong kita." mariing sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon