Marami ang nagulat at nagtaka dahil sa muling pag-iba ng itsura ko. Pero para walang magtanong nang kung anu-ano ay gumawa ng kwento sila Melvin na maskara lang ang mukha ko noon. Natalo daw ako sa isang pustahan kaya iyon ang consequence ay magsuot ng maskara sa loob ng isang taon.
Kung ako lang ay hindi ako maniniwala doon, kaya nagtataka ako nang mauto nila ang mga estudyante at ibang kakilala namin. Ibang klase ang convincing powers nila.
Mula noon ay naging maayos naman ang lahat. Habang nagre-review ay kinontrata ako ni Melvin na maging instructor sa senior high department kaya pumayag ako.
Si Luigi naman ay naging abala rin dahil intern na siya sa ospital nila. Naging abala kami pero ginagawan niya talaga ng paraan para magkasama kami. Minsan ay nagiging sobrang seloso siya sa mga katrabaho o kahit mga estudyante kong lalaki, pinagbabantaan niya agad ang mga ito kahit kinakausap lang naman nila ako. Pero aaminin ko medyo kinikilig ako sa pagiging possessive niya.
***
Naging mabilis ang takbo ng oras. Nakapasa ako sa board exam at ngayon ay isa nang ganap na teacher sa senior department ng University. Si Luigi naman ay nakagraduate na rin at nakapasa na sa licensure exam niya kaya isa na rin siyang ganap na Doctor.
Sa tatlong taon na iyon ay isang tanong ang paulit-ulit na tinatanong ni Luigi sa akin.
“Witch, pakasal na tayo?” tanong ni Luigi kaya natigilan ako sa pagkain.
Napangiti ako. Natutuwa ako tuwing inaaya niya akong magpakasal ngunit hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin na sumagot ng oo. Parang may hinahanap ako pero hindi ko alam kung ano.
“Bilisan mo na, babe. May pinapabili sa akin si Nanay.” sabi ko na lang.
“Jerrah, May balak ka bang magpakasal sa akin?” tanong ni Luigi kaya natigilan ako.
Ngayon niya lang iyon natanong sa akin, muli ay napangiti ako pero sinubukan ko iyong ikubli.
“Meron naman.” sagot ko at kumain na lang ulit.
“Then, why after all this years ay hindi ka pa rin pumapayag?” tanong niya.
“Naaalala mo ba ang unang proposal mo?” tanong ko kaya napatango siya. Napabuntong hininga ako. “Pang-ilang proposal mo na ba 'yan?” tanong ko ulit kaya napa-isip siya.
“Sampu?” tanong niya kaya napailing ako.
“Almost a hundred times. Luigi, tinatanong mo ko tuwing may date tayo, kapag nagseselos ka sa mga katrabaho ko, minsan kapag may okasyon.” nasabi ko na lang.
“Then, bakit hindi ka pa rin pumapayag?” kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
Nairap na lang ako at tinapos na ang pagkain.
***
“Galit ka ba?” tanong niya nang huminto ang kotse sa tapat ng bahay namin.
“Hindi. Bakit naman ako magagalit?” tanong ko rin.
“Wala. Baka lang kasi nakukulitan ka na sa akin, baka mamaya iwan mo ko.” matamlay na wika niya.
Medyo napangiti ako. Alam kong mali, pero medyo natutuwa ako kapag disappointed siya na hindi ako pumapayag sa proposal niya.
“Hindi naman kita iiwan. Sa tingin ko hindi pa ako ready kaya hindi kita masagot ng oo.” paliwanag ko para gumaan ang pakiramdam niya.
Bumaba na kami ng sasakyan at hinatid niya ako sa loob. Sandali niyang kinumusta sila nanay bago umalis.

BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...