Jerrah's PoV
"Mario Lewis." sagot niya noong itanong ko ang buong pangalan niya.
"So, can you please stop calling me Mario?" tanong niya.
"Okay naman ang Mario, ah?" tanong ko.
Nitong nakakaraan ay naging malapit ako sa kanya at halos hindi ko na nasasamahan sila Luigi. Ang totoo ay iniiwasan ko si Luigi. May ginawa ako na hindi dapat at natatakot ako sa maaaring kahinatnan lalo na at iba ang ikinikilos ni Luigi.
"It's not. Hindi mo alam kung anong sumpa ang dulot ng mga pangalan namin." sabi niya kaya natawa ako. "Not funny." sabi niya sabay irap.
"Pasensya na. Mario and Luigi tapos ang pangalan dapat ni Marian ay Maria na hango sa pangalan mo at si Levi ay Yoshi dapat ang pangalan kung hindi mo pinigilan ang mama mo." sabi ko.
"Mabuti na lang talaga at nadugtungan ni Papa ang pangalan ko." sabi pa niya. Naikwento na niya kanina na gustong gusto talaga nila Tita ang larong super mario kaya doon isinunod ang pangalan nila.
Natawa akong muli, ang totoo ay hindi ko maiwasang mainggit. Sana ay may kapatid o pinsan rin ako, ang saya siguro.
"Jerrah, can I see your book?" tanong niya kaya natigilan ako.
"Anong book?" tanong ko naman.
HRM student si Mario kaya imposibleng manghihiram siya sa akin.
"Hindi mo dinadala?" tanong niya at saka luminga sa paligid.
Malapit na kami sa Cafeteria kaya maraming estudyante sa paligid. Ilang sandali pa ay hinila ako ni Mario patungo sa isang bakanteng silid.
"Ano ba kasing libro at bakit ba nandito tayo?" tanong ko.
"Alam mo ba na marunong akong mag-magic?" tanong niya kaya napakunot noo ako.
"Hindi." sagot ko naman kaya kinuha niya ang mga kamay ko at inilahad bago pinagdikit.
Ito ang napansin kong kakaiba, masyadong komportable ang pakiramdam ko kay Mario parang si Levi lang ang kasama ko.
"Tingnan mong mabuti ang kamay mo. Focus ka lang at relax." sabi pa niya at pinahinga pa ako ng malalim. "Good. Now, gayahin mo ang sasabihin ko. Alta..."
"Alta."
"Oteha..."
"Oteha."
"Inturbin akla."
"Inturbin akla." natigilan ako at napatingin kay Lewis. Hindi pamilyar ang mga salita pero parang katulad ito ng mga orasyon sa libro.
"Focus and repeat." nakangiting sabi niya at ipinatong ang kamay sa palad ko.
'Alta oteha inturbin akla.'
Matapos kong bigakasin ang mga salitang iyon ay inialis ni Mario ang kamay niya sa palad ko at ilang segundo lang ang lumipas ay biglang may munting liwanag ang umusbong sa mga palad ko. Ang liwanag ay unti-unting lumaki at bumuo ng hugis bago tuluyang lumitaw ang isang libro.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na hindi lang ito simpleng libro. Ang librong biglang lumitaw sa palad ko ay ang librong ibinigay ng matanda sa akin. Gulat akong napatingin kay Mario, bigla akong kinabahan at pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko.
"Oh 'di ba!? Ang galing ko." sabi pa niya at kinindatan ako. Samantalang ako ay gulat na nakatingin sa kanya at lalo akong kinabahan nang kunin niya ang libro. "So, ganito pala ang itsura nito." sabi pa niya habang sinusuri iyon.
"A-alam mo?" gulat na tanong ko. Ngumiti siya at tumango.
"Of course. Si Lola rin ang nagpalaki sa akin kaya alam ko ang tungkol sa mga..." sadya niyang ibinitin ang sinasabi at lumapit sa akin. Dahil gulat pa rin sa pangyayari ay hindi ako makagalaw. "Mangkukulam. Relax, wala naman akong ginawa. Ikaw ang nagpalabas ng libro at hindi ako " bulong niya.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...