Note!Eto na mga beh! Pero hindi pa ito ang epilogue.
And ofcourse, ngayon pa lang many many thank you sa pagbabasa at pagtitiyaga dito sa kwento ko kahit na medyo mabagal ang update. Gusto ko ring mag-thank you sa mga nag-vote at nagko-comment sana i-share niyo din sa iba para masaya! hahaha. 😜
P.S. matatagalan ang epilogue dahil busy na naman ang peg ko.
--------------
Jerrah's PoV
Bakit ba kasi gano'n? Kung kailan ayos na ang lahat ay may mangyayari na naman para gumulo ulit. Kung kailan naka- move on ka na saka babalik ang mga bagay na natanggap mo nang nawala sa'yo.
Dear, tadhana. May problema ba tayo? Bakit inaapi mo ako nang ganito?
“Bakit ba umiiyak ka?” tanong ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Oo nga, hindi ba dapat matuwa ka?” tanong naman nang kaharap namin.
Matuwa? Ang alam ko ay iyon dapat ang nararamdaman ko pero bakit natatakot ako?
“A-anong gagawin ko?” natanong ko na lang. Walang kahit ano ang pumapasok sa utak ko ngayon.
“Ang sabi mo sa kausap mo kanina ay makikipagkita ka sa kanya bukas.” sagot ng katabi ko.
“P-pero paano!?” tanong ko ulit.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko na alam ang gagawin.
“Maglakad ka papunta sa Villa. Pwede ka ring magtricycle kung gusto mo.” nakangising sagot ng kaharap ko kaya binato ko siya ng unan.
“Jerrah, relax ka lang muna kasi.” sabi niya kaya sinubukan kong kumalma pero kapag napapatingin ako sa salamin na nasa tapat ko ay hindi ko talaga maiwasang maiyak. “Tumahan ka na, juice na colored nai-stress ako sa'yo. Kapag pumangit ang baby ko kasalanan mo!” reklamo niya.
Natigilan ako at napatingin sa tiyan niya na medyo malaki na. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari noong dumating ako dito sa bahay nila.
---
Gumamit ako ng inkantasyon para mag-anyong pusa upang walang makakilala sa akin. Ayokong magkaroon ng gulo dahil lang sa pagbalik ko sa lugar na ito.
Pagdating ko sa bahay nila Mary ay hindi agad ako nagpalit anyo at hinanap muna siya. Nakita ko siya na nakatambay sa likod ng bahay nila at nagpapahangin. May kung anong tuwa akong naramdaman nang muli kong makita ang matalik kong kaibigan.
Kung titingnan sa malayo ay wala akong napapansin na kakaiba sa kanya. Parang normal lang kaya sa tingin ko ay hindi umipekto ang sumpang ibinigay ko sa kanya noon. Lalapit na sana ako pero nahinto nang makita kong lumabas si Ico dala ang isang wheelchair.
“Tara na sa loob para makapagmeryenda na tayo.” rinig kong sabi niya at binuhat si Mary para ilipat sa wheelchair.
“Dito na lang tayo kumain.” hiling ni Mary kaya agad namang tumango si Ico at bumalik sa loob.
Sinamantala ko na ang pagkakataon para lumapit kay Mary. Nagpalit anyo ako sa harap niya ngunit wala akong nakitang reaksyon mula sa kanya. Tiningnan ko ang mukha niya at napansin ang mga freckles sa palibot ng mga mata niya. Ikinaway ko ang aking kamay sa tapat ng mukha niya pero nanatili siyang walang imik. Napasinghap ako nang mapagtanto kung ano ang naging epekto sa kanya ng sumpa na ibinigay ko noon.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...