Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay umaakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.
Mas lalo siyang lumapit kaya mabilis kong itinaas ang kamay ko para pigilin siya sa kung ano mang plano niya.
"Relax, tinitingnan ko lang ang mga mata mo." nakangising sabi niya kaya natigilan ako. "You really have an expressive eyes. It doesn't suits your face." sabi pa niya at lumayo.
Hindi talaga mawawala ang pagiging mapanglait niya.
"Namumula ka. Don't tell me iniisip mong hahalikan kita?" nakangising sabi niya kaya mabilis akong tumayo.
"Huwag kang mag-alala, alam ko namang imposibleng gawin mo iyon." Sabi ko pero bago ako umalis ay itinulak ko siya sa pool.
Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay at kahit naririnig ko siyang sumigaw ay hinayaan ko na lang.
"Sa tingin ko ay dapat na nating sabihin kay Jerrah." napatigil ako sa pagbukas ng pinto no'ng marinig ko ang pangalan ko.
"Hindi gano'ng kadali ang gusto mo." sabi ni tatay.
"Pero ayokong magalit siya sa atin. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag nagalit siya." sabi ni Nanay.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Tatay. Napakunot noo rin ako.
"Hindi napapansin ni Jerrah pero madalas siyang wala sa sarili... Parang may sumasapi sa kanya dahil hindi niya naaalala ang mga ginagawa niya" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Nanay, halatang halata ko ang takot sa boses niya.
"Ano!?" gulat na tanong ni Tatay at napatingin sa akin noong binuksan ko ang pinto.
"J-jerrah? K-kanina ka pa diyan?" nauutal na tanong ni Nanay at naging balisa siya.
Hindi ko alam ang sinasabi niya kaya hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin o itanong. Hindi ako makapaniwalang may ginagawa ako na hindi ko alam. Bakit hindi agad sinabi ni Nanay? Bakit kailangan pa niyang ilihim ang impotanteng bagay na iyon?
'N-natakot lang naman ako... Dahil hindi na ikaw ang Jerrah na kilala ko!'
Hindi ko maiwasang masaktan no'ng maalala ang mga sinabi ni Mary noong huli kaming magkita.
"Jerrah..." nabalik ang atensyon ko kay Nanay.
"Hindi po. M-may pinag-uusapan ba kayong importante?" tanong ko.
"W-wala. Magpahinga na kami kaya maglatag ka na at patayin mo na ang ilaw." sabi niya kaya tumango ako.
Matapos kong ayusin ang higaan ko ay pinatay ko ang ilaw at humiga na. Nanatili akong nakatulala sa kisame pero ilang saglit lang ay napansin ko ang panlalabo ng mga mata ko kaya agad kong pinunasan ang luha ko.
'Oo nga naman, sinong hindi matatakot sa tulad ko. Hindi na ako normal simula noong makuha ko ang libro.'
Ilang oras ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Tumingin ako sa kama at nakitang mahimbing na ang tulog nila kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay ang sikip sa kwarto kaya nagdesisyon akong magpunta sa hardin para magpahangin at makapag-isip na rin.
***
Kahit na alas tres na ako nakatulog ay maaga akong gumising para tumulong sa mga gawain, inabala ko ang sarili ko sa paglilinis at pagkatapos noon ay pinuntahan ko si Marian sa kwarto niya para tulungan sa pag-aaral niya.
"Ate?"
"Ate!"
"Oh?" napatingin ako kay Marian nang bigla siyang sumigaw.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...
