UHS-14

396 17 0
                                    

Jerrah's PoV

"Look. I'm sorry." sabi ni Luigi kaya napatingin ako sa kanya.

Gabi na at talagang hindi niya ako iniwan kanina. Hindi ko siya kinakausap at ngayon lang din siya nagsalita.

"Sorry saan?" tanong ko at tumayo na para magligpit ng kinainan namin. Mabilis namang tumayo si Luigi para agawin ang mga pinggan. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko.

"Ako na, umupo ka na lang diyan. Well... I don't know? May be, sa pagiging pakialamero ko?" tanong niya. Napataas ang isa sa makakapal kong kilay.

"Sa pagiging mababaw mo?" tanong ko.

"Yeah, include that." tango niya.

"Sa pagiging mapanglait mo." sabi ko.

"Not sorry. Just being honest." nakangising sabi niya at naghugas na ng mga pinggan.

Ang totoo ay nagulat ako na marunong siya sa mga gawaing bahay. Marunong din siya magluto kaya siguro kampante si doktora na payagang umuwi ang mga katulong.

Matapos magligpit ay may inabot siyang gamot sa akin. Hindi ko naman kailangan ng gamot dahil kusang mawawala ang sakit ko pero para hindi makahalata si Luigi na may kakaiba sa akin ay ininom ko na din. Ingat na ingat ako sa kilos ko dahil baka sa isang kumpas ko lang ay maaaring lumipad lahat ng kasangkapan dito sa bahay.

"Jerrah, can I ask somethings?-with s." sabi niya habang nagpupunas ng kamay. Hindi ako sumagot sa kanya kaya napangisi siya. "Silence means yes. Anong meron sa inyo ni Rai?" tanong niya.

"Wala." tipid na sagot ko.

"Wala, Weh?" tumayo ako at akmang aalis na pero pinigilan niya ako. "Bakit mo sinira ang mga picture mo noon?" tanong niya dahilan para matigilan ako sandali.

Wala akong maalala na ginawa ko iyon pero ang sabi ni Nanay ay nakita niya ako noon na binubura ang mukha ko sa mga picture. Hindi ako sumagot dahil wala naman akong maisasagot sa kanya.

"Gusto mo ng ice cream?" natauhan ako dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit si Ico ang naalala ko sa tanong niya.

"Ayoko." sagot ko.

"Why are you always grumpy?" tanong niya at umupo na sa tapat ko na may hawak na container ng ice cream. Iyon ata ang bumagsak sa paa niya kahapon.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" tanong ko at umirap.

"Just curious, and of course I want to be friends with you." sabi niya. Hindi ko alam pero si Ico ang nakikita ko sa mga kilos ni Luigi ngayon. At may kung anong sakit akong nararamdaman sa puso ko.

"Ano namang mapapala mo sa katulad ko? Ipapanakot mo ulit ang mukha ko sa mga kaibigan mo?" matabang na sabi ko at tumayo. Lumakad na ako paalis pero hinarang agad ako ni Luigi.

"Bakit ba ganyan ka mag-isip? Gusto kitang maging kaibigan and that's it." mariing sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi mo gugustuhing maging kaibigan ang isang tulad ko." mahinang sabi ko at lumayo sa kanya.

"You're too complicated." hindi makapaniwalang komento niya at umalis sa harap ko pero nakakailang hakbang pa lang ay huminto siya at bumaling sa akin. "Masyado kang maarte, hindi ka naman maganda." sabi niya at umalis na nang tuluyan. Naiwan akong nakatunganga sa kusina.

'Bwisit talaga siya!'

***

Maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na ulit ako pinansin ni Luigi matapos naming magtalo kahapon pero ipinagluto niya pa rin ako at binigyan ng gamot.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon