UHS-6

389 16 0
                                        

"May nakalimutan ka ba Ic- J-jerrah?" kitang kita ko ang gulat sa mukha niya. Para siyang nakakita ng multo at namutla sa takot. Tumingin muna siya sa paligid bago ako pinapasok.

"May hinahanap ka?" walang ganang tanong ko at tiningnan ang reaksyon niya. Kilala ko siya at alam ko kapag nagsisinungaling siya.

"W-wala." sagot niya kaya tumingin ako sa kamay niya na hindi mapakali.

"May bisita ka?" tanong ko ulit.

"W-wala!" tinitigan ko lang siya. Magtatanong pa sana ulit ako pero hindi ko na nagawa nang magsalita si Kuya Marco.

"Akala ko si Jerrah ang kausap mo. Pasok ka muna, Ara." anyaya niya pero umiling ako at bumaling kay Mary. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero pansin kong hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"Pinapabigay lang ito ni Tita Cora." sabi ko at ibinigay ang plastic bag kay Mary.

Pagbalik ko sa bahay ay doon ako tuluyang naiyak. Hindi ko alam kung ano ang masakit. Ang malamang si Mary ang girlfriend ni Ico o ang panloloko sa akin ng bestfriend ko.

Pakiramdam ko ay tinraydor niya ako. Alam niya na may nararamdaman na ako kay Ico pero bakit hindi niya agad sinabi sa akin? Bakit kailangan pa niyang ilihim? Ayoko sanang mag-isip ng masama kay Mary pero wala akong maisip na maayos na rason para itago niya ang katotohanan na boyfriend niya si Ico.

**

Kinabukasan ay hindi ako makabangon dahil ang sama ng pakiramdam ko.

"Jerrah, okay ka lang?" napalingon ako sa pinto ng kwarto at nakita si Mary. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. "May masakit ba? Sabi ni Tita hindi ka pa bumabagon simula kaninang umaga." sabi niya. Hindi ko alam kung totoo ang pag-aaalala niya o nagpapanggap lang siya.

"Ayos lang ako. Gagaling din ako." sabi ko at pilit na bumangon kahit pakiramdam ko ay may nakadagan sa katawan ko. Inaalalayan niya ako pero tinapik ko ang kamay niya. Hindi ko kailangan ng tulong niya.

Napatingin ako kay Mary. Hanggang ngayon ay hindi ko maisip na nagawa niya akong lokohin, buong gabi akong gising dahil lang sa pag-iisip.

"Mary... kumusta kayo ng boyfriend mo?" tanong ko. Pansin kong napasinghap siya pero agad din siyang nakabawi.

"A-ayos naman. Bakit mo natanong?" tanong niya. Nagkibit balikat ako.

"Wala lang. Parang gusto ko kasi siyang makilala." sabi ko at naghintay nang magiging reaksyon niya.

"H-ha? W-wala siya, medyo busy kasi OJT na rin niya." sagot niya at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Mary, alam mo bang ikaw na lang ang kaibigan ko?" tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin. "Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko ng lubos kaya lahat ng nararamdaman ko ay sinasabi ko sa'yo." nakangiting sabi ko. Pansin kong muli niyang pag-iwas ng tingin.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Magagawa mo bang lokohin ako?" tanong ko kaya natigilan siya at matagal bago nakasagot.

"H-hindi. Bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong niya kaya nagkibit-balikat ako.

"Malay... Nagtatanong lang naman." sabi ko at humiga nang muli. Lalong nadadagdagan ang galit ko sa kanya dahil sa pagsisinungaling niya.

Pumikit ako at hindi na muling nagsalita. Hindi na rin nagsalita si Mary at umalis na.

Kinagabihan ay lumabas ako kahit medyo masama ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa buwan na siyang nagbibigay liwanag sa dilim.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon