UHS-36

347 18 3
                                    

Hindi ko alam na seseryosohin niya ang sinabi niyang iyon.

You're definitely mine now.’

Hindi ko maiwasang mamula kapag naaalala ko iyon. Mabuti na lang talaga at kami lang ang tao sa bahay noon. Mas pinili ko na ring hindi muna sabihin kila nanay lalo na at hindi naman ako sigurado sa estado namin ni Luigi.

“So… ito ang napansin ko. Laging si Luigi na ang naghahatid sa inyo, sinusundo ka ni Luigi kapag vacant mo na, asikasong-asikaso ka niya daig mo pa ang baldado kulang na lang subuan ka niya. Ilang araw na kayong ganyan kaya anong meron Jerrah?” tanong ni Caroline.

Nagkasalubong kami kanina pero ang totoo ay iniiwasan lang niya si Raizon. Paano ko ba sasabihin, eh maski ako hindi ko alam kung anong meron. Sa kanya na daw ako, ibig sabihin ba noon girlfriend na niya ako?

“Bakit ba hanggang ngayon ay iniiwasan at tinataboy mo si Rai?” tanong ko.

Simula nang gumaling si Caroline ay hindi na niya kinakausap ng maayos si Rai o di kaya ay tinataboy niya ito. Pinapa-uwi niya sa probinsya.

“Naku! Jerrah, dalawang araw mo nang ginagamit ang istilo na yan para ibahin ang usapan. Kung ayaw mong sumagot, si Luigi ang tatanungin ko.” reklamo niya at nauna na sa Cafeteria.

Natawa na lang ako at napa-iling. Balak ko sana siyang habulin pero biglang may bumunggo sa akin. Napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Gianne.

“I can't believe it. Ikaw ang dahilan kung bakit niya ako iniwan.” mahinang sabi niya habang tinitingnan ako na para bang nandidiri siya.

Napayuko na lang ako. Kung ikukumpara kasi ako sa kanya ay malayong malayo na, itsura pa lang naman talong talo na ako.

“Wala akong makitang dahilan para magustuhan ka niya. Maayos naman kami pero bigla siyang naging cold sa akin. Umamin ka! Anong ginawa mo kay  Luigi? Ginayuma mo ba siya?” mariing tanong niya.

Hindi ako makasagot kaya tinalikuran ko na lang siya at umalis. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako at ang bigat ng pakiramdam ko.

Imbis na sumunod kay Caroline ay mas pinili kong mapag-isa. Wala sa loob akong naglakad-lakad at noong mapansin kong medyo napapalayo na ako ay natigilan ako. Pansin kong wala na rin masyadong estudyante dito.

“You looked like a walking dead.”

Napalinga ako sa paligid at nagulat pa ako noong makita ko si Phillip sa gawing likuran ko kaya mabilis akong napalayo sa kanya.

“I noticed that you're always shocked every time we see each other.” komento niya.

“Bigla ka kasing lumilitaw!” reklamo ko pero tinawanan niya lang ako.

“Kanina pa kita sinasabayan. You're not aware of my presence 'cause of your deep thoughts.” paliwanag niya.

Napatango na lang ako at binalot na kami ng katahimikan. Ilang sandali pa ay lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.

“Don't move.” sabi niya noong sinubukan kong magpumiglas sa kanyang yakap. “You can cry if you want. I know that you're not okay. You're scared, insecure and confuse right now. It's all because of him. I envy him 'cause you do really love him.” sabi niya at hindi ko namalayan na umiiyak na ako.

Niyakap ko siya habang tahimik na umiiyak. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung ano ang nararamdaman ko, pero tama ang lahat ng sinabi niya. Takot sa katotohanan, insecure sa itsura at naguguluhan.

“Such a lucky jerk.” rinig kong komento ni Phil kaya napahiwalay ako sa kanya.

“He's not jerk!” pagtatanggol ko kay Luigi kaya natawa siya.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon