Hello!
Sorry kung natagalan. Mahaba naman ito ng konti bilang pambawi.
And by the way. 5 chapters left at susubukan ko itong matapos this month kaya penge ng inspiration. Magcomment kayo! Chos! XD
****
Luigi's PoV
"We need to take a break."
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Arweine noong pumasok siya sa bahay ni Lola.
"What!? Bakit?" tanong ko.
"Nakakahalata na si Phil. Mas makakabuti kung hindi ka na rin muna lumapit kay Jerrah." sabi nito at tumabi kay Lewis.
"Hindi pwede. Lalo na at nararamdaman kong gumagana na ang plano natin." reklamo ko.
Simula nang malaman ko na ginayuma lang ni Phil si Jerrah ay naging pursigido ako na mabawi siya. Aaminin kong pinanghinaan ako ng loob lalo na nang marinig ko mula kay Jerrah na mahal niya si Phillip. Ngunit noong malaman ko ang mga ginawa ng kanong hilaw na iyon para lang makuha si Jerrah ay hindi ko mapigilang maramdam ng galit. Kung hindi lang ako pinigilan ni Arweine at ni Lewis ay baka sinugod ko na ang animal na iyon.
Kinausap nila ako at sinabi na may paraan sila na pwedeng gawin pero hindi sigurado ang kalalabasan. Ang kailangan ko lang gawin ay maghintay kaya iyon ang ginawa ko pinilit kong kumalma at naghintay. Hindi madali lalo na at araw-araw ko silang nakikita na magkasama.
Nagawang ibalik ni Arweine ang memorya ni Lewis tungkol kay Jerrah kaya umaasa silang matulungan ako. Bumuo kami ng plano at unti-unti na namin iyong nasasakatuparan kaya bakit namin kailangang tumigil?
"That's it! Masasayang ang pinaghirapan natin kapag hindi tayo tumigil. Babalik tayo sa umpisa or worst umalis na lang sila bigla at hindi mo na talaga makikita ang girlfriend mo. Remember noong dinukot ninyo si Jerrah?" tanong ni Arweine kaya napatango ako. "Phillip knew that you tried to explain your side. Jerrah started to asked some questions about you, imbis na sagutin niya iyon ay binura niya ang alaala nito at pinaniwala sa ibang kwento." paliwanag nito.
Natigilan ako at napahinga ng malalim. Arweine was trying to help me, sinusubukan niyang gamitan ng pangontrang gayuma si Jerrah para paunti-unting bumalik ang alaala nito. Hindi sigurado ang kalalabasan nito pero this is the only choice that I have. Sinusubukan ko ring gawin ang idea ni Brian.
'Kung hindi mo makuha sa santong paspasan, Eh 'di ligawan mo!'
At iyon na nga ang ginawa ko. Sinubukan kong magtanong kay Tita Cora ng mga bagay tungkol kay Jerrah at kapag napapansin kong malapit na siyang umiyak ay nagpapaluto na lang ako ng pagkain na siyang dinadala ko kay Jerrah.
"Relax lang kasi pinsan. Si honey loves ko ang bahala diyan." sabi ni Lewis at inakbayan ang girlfriend.
"I understand. Arweine, I'm really thankful at tinutulungan mo ako." nasabi ko na lang.
Hindi ko kasi magawang kumalma dahil narinig kong inaalok ng kanong hilaw na iyon ng kasal si Jerrah. Mabuti na lang at hindi niya tinanggap ang alok na iyon. Kung wala nga itong si Arweine ay hindi ko pa malalaman na ginayuma ni Phillip si Jerrah.
"Well... natutuwa kasi ko sa'yo. Ganyang-ganyan si Mario Lewis noong pinagbawalan siya ni Lola na ligawan ako noon." nakangiting sabi nito.
"Ha? Excuse me! Hindi naman ako katulad ni Luigi na patay na patay kay Jerrah. Ikaw nga noon, iyak ka ng iyak kasi hindi mo ko nakikita." pang-aasar ni Lewis sa kasintahan kaya napailing ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/13196785-288-k552820.jpg)
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasíaThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...