UHS-3

538 19 0
                                    

"Jerrah, tigilan mo na sila." napatigil ako sa ginagawa ako dahil sa sinabi ni Mary.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko at inayos ang mga maliliit na manika sa bag ko.

"Ikaw ang may gawa no'ng mga insekto sa mga gamit nila 'di ba?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganyan dati." sa paraan ng pagsasalita niya ay parang ako na ang pinakamasamang tao.

"Mary, hindi ko naman gagawin iyon kung hindi nila ako ginugulo. Ikaw na rin ang nagsabi dati na dapat lumaban ako pero bakit ikaw pa ang sumusuway sa akin ngayon?" tanong ko.

"Iba kasi noon, wala ka pang kakaibang kakayahan. Nag-aalala lang naman ako na baka iba na ang magawa mo." kita ko na nag-aalala talaga siya kaya napabuntong hininga ako. "Tsaka natatakot ako, iyong aklat na binigay sa'yo ni lola nagkaroon ng kulay itim na mansya iyong kristal sa ibabaw. Hindi lang iyon, simula ng makuha mo iyang aklat ay madalas kang nagkakasakit." napansin rin pala niya. Tatlo o apat na araw sa bawat buwan, hindi naman malala parang nilalagnat lang ako.

"Sige, titigil na ako." pagsuko ko.

**

Tulad ng sinabi ko kay Mary ay tinigilan ko sila Caroline. Hindi ako gumagawa ng kahit ano. Pinilit ko ring umiwas sa kanila.

"Jerrah, pwede bang ikaw na lang ang date ko sa prom?" napatingin ako kay Rai dahil sa tanong niya. Nasa cafeteria kami kasama si Mary na nakanganga dahil sa narinig.

"Sorry, pero hindi ako a-attend." mabilis kong sabi.

"Bakit?" tanong niya.

"Hindi kasi ako mahilig sa ganyan at isa pa gastos lang yan. Magrerent ng gown, magpapa-make up. Wala kaming budget." sabi ko. Totoo naman, sa estado ng buhay namin ay kailangan naming maging praktikal. Ayokong magsayang ang perang pinaghihirapan ni tatay mapag-aral lang ako.

"Then, sagot ko na lahat ng gastos basta sumama ka lang." alok niya kaya mabilis akong napailing. "Please, ikaw na lang ang pag-asa ko. Kung hindi ka papayag si Caroline ang magiging date ko." paliwanag niya.

Hindi naman nanliligaw sa akin si Rai pero hindi ko maiwasang bigyan ng kulay ang kilos niya. Masyado siyang mabait sa akin at lagi pang sumasabay sa amin. Hindi naman niya ginagawa iyon ginagawa noon. Dati ay lagi lang niya akong binabati kapag nagkakasalubong kami.

"Pumayag ka na Jerrah, wala ka namang gagawin sa bahay ninyo." sabat ni Mary kaya napabuntong hininga ako. Umiling ako pero talagang kinulit nila ako hanggang sa...

"Sige na, tantanan n'yo lang ako."

**

Katulad ng sinabi ni Rai ay siya ang gumastos ng lahat. Mula sa puting gown na mukhang mamahalin ay nagpapunta pa siya ng magme-make up sa akin. Halos hindi ko nga nakilala ang sarili ko matapos akong ayusan.

"Anak, ang ganda mo." sabi ni nanay.

Napalingon kami sa pinto noong makarinig ng katok. Nakita namin si Rai na nakanganga habang nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko siya, nakasuot siya ng white v-neck shirt na pinatungan ng abong blazer. Para siyang modelo na naligaw sa maliit naming bahay.

"Wow, you look even more beautiful." manghang sabi niya kaya napatakip ako ng ilong.

"Nakakanosebleed 'yang pagiging bolero mo." sabi ko, natawa naman siya ng marahan at lumapit sa akin.

"Nagsasabi lang ng totoo. Shall we?" tanong niya at inilahad ang kamay. Nakangiti ko iyong tinanggap, at nagpaalam na kami kay nanay.


Tahimik lang ang naging biyahe namin papunta ng venue. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, parang hindi maganda ang kutob ko. Hanggang makarating kami ay gano'n ang pakiramdam ko.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon