Jerrah's PoV
Puting kisame ang bumungad sa paningin ko noong imulat ko ang aking mga mata. Hindi ko na mabilang kung ibang beses na akong nagising sa lugar na ito. Masyado na atang napapadalas ang paggising ko sa ospital.
Luminga ako sa paligid pero wala akong ibang kasama sa kwarto ngunit agad na bumukas ang pinto at pumasok si Nanay.
“Mabuti at gising ka na.” sabi niya at lumapit sa akin.
“Si Luigi po?” tanong ko.
“Maayos naman siya pero hindi namin siya makausap ng ayos simula nang dumating kayo dito.” kwento niya kaya napayuko ako. “Wala kang nararamdaman na kakaiba?” tanong niya kaya napa-iling ang ako.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Tatay at may dalang hapunan. Iniabot niya iyon sa akin pero wala akong gana kumain.
Napatingin ako sa pinto noong may kumatok. Hinintay ko kung sino ang papasok at tama ang kutob ko, si Luigi nga.
“Pwede ko po bang makausap si Jerrah ng kaming dalawa lang sana.” paalam niya.
Bumaling sa akin si Nanay kaya tumango ako. Hindi na siya nagtanong at inaya na niyang lumabas si Tatay saglit.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko noong manatili lang siya sa kinatatayuan niya.
“Ikaw ang nakahiga diyan. So, I'm the one should ask that question. Are you okay now?” tanong niya kaya tumango ako. Napatingin siya sa pagkain ko na wala pa ring bawas.
Binalot kami ng katahimikan. Alam kong marami siyang gustong itanong o alamin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo.
“M-may gusto kang itanong 'di ba?” tanong ko.
“Totoo ba ang sinabi mo na isa kang mangkukulam?” tanong niya.
“Nakita mo naman siguro ang nangyari kanina 'di ba? Tingin ko ay sapat na ebidensya na 'yon.” sagot ko at nag-iwas tingin.
Hindi pa rin maganda ang kutob ko at alam kong magiging masakit ang pag-uusap na ito. Kinakabahan ako pero wala naman akong magagawa kung magalit siya sa akin.
“What happened earlier was not some kind of hallucination. Napabagal mo ang takbo ng bus.” sabi pa niya na parang hindi pa rin makapaniwala. “Is it true na ikaw ang kumulam kay Caroline?” tanong niya kaya gulat akong napatingin sa kanya.
“Paano mo nalaman?” tanong ko pero agad ring tumango bilang sagot.
“Then, there's a rumor na kalat sa buong university. I'm sure alam na ito and I want to know the truth. Ginamitan mo ba ako ng kapangyarihan mo?” tanong niya.
Matagal na nanatili ang tingin ko sa kanya habang siya ay nakatingin lang din sa akin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya, parang galit na naaawa at nasasaktan. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilin ang luha na nagbabagdya bago tumango.
“Shit! Then, this means lahat ng nararamdaman ko para sa iyo ay isang ilusyon lang? Gawa-gawa mo lang?” tanong niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako sa harap niya.
“I-I'm sorry.” tanging nasabi ko. “Please, pakinggan mo muna ako.” paki-usap ko pero umiling siya.
“Para ano? Gagamitan mo ulit ako ng kapangyarihan mo? No thanks.” sabi niya at lumabas ng kwarto. Padabog pa niya itong isinara kaya lalo akong napa-iyak.
Napahagulgol ako. Parang mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kaysa kapag nagkakasakit ako tuwing kabilugan ng buwan.
“Jerrah?” napatingin ako sa pinto at nakita si Lola Alyana kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...