Naging mabilis ang mga pangyayari pag-alis namin ng university. Mabilis dahil sa paraan ng pagpapatakbo ni Luigi ng sasakyan niya.
"Luigi naman huwag mo kong idamay sa galit mo!" reklamo ko at kumapit sa seatbelt.
Kung kanina ay mga sampung minuto ang naging biyahe namin ngayon ay halos tatlong minuto lang ata.
Pagdating namin sa bahay nila ay mabilis na bumaba si Luigi. Hindi man lang niya ipinarada ng ayos ang sasakyan niya. Tumakbo ako para habulin siya pero nasa pinto pa lang ako ay rinig ko na ang mga nababasag na gamit. Bumungad sa akin ang magulong sala, basag ang malaking salamin at ang mga vase. Wala si Luigi doon kaya sa palagay ko ay pumunta na siya sa kwarto niya.
Kinuha ko ang first aid kit na nakatabi sa isang maliit na cabinet sa sala bago pumunta sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Luigi pero pagdating ko doon ay wala siya. Sinubukan kong tingnan kung nasa banyo pero wala rin.
Saktong paglabas ko ng banyo ay padabog na sumara ang isa pang pinto. Napatingin ako kay Luigi na may dalang mga bote ng alak. Pinukol niya ako ng matalim na tingin kaya napalunok ako.
"Lumabas ka." mariing sabi niya kaya napa-urong ako.
"G-gamutin ko mga sugat mo." mahinang sabi ko.
"Kaya ko ang sarili ko kaya please lumabas ka na." malamig na sabi niya.
Noong hindi ako sumagot o gumalaw sa kinatatayuan ko ay lumapit siya sa akin at hinila ako. Binuksan niya ang pinto at itinulak ako palabas bago iyon padabog na isinara.
Imbis na umalis ay naghintay ako sa tapat ng pinto. Napatingin ako sa gilid ko nang mapansin na nandoon si Nanay at ang iba naming kasama sa bahay.
"Jerrah? Anong nangyari kay Luigi? Bakit puro pasa at sugat siya?" Tanong ni Nanay.
"Hindi ko alam kung anong nangyari pero noong puntahan namin siya sa unibersidad ay nagwawala siya." paliwanag ko.
Umalis din agad sila para maglinis ng mga nabasag na gamit sala. Habang ako ay nasa harap lang ng pinto, hindi ko magawang umalis. Matagal na katahimikan ang bumalot sa paligid ko, wala akong lakas na loob na kumatok dahil natatakot at kinakabahan ako para kay Luigi.
Ang katahimikan ay biglang naglaho at napalitan ng ingay na nanggagaling sa nababasag na gamit sa loob ng kwarto. Mabilis akong lumapit sa pinto at sinubukang buksan iyon pero nakakandado.
Mas lalo akong kinabahan noong biglang tumigil ang ingay sa loob. Paano kung may nangyaring masama sa kanya?
Susubukan ko sanang buksan ang pinto gamit ang orasyon pero bago ko pa magawa ay dumating si Doktora. Lumapit siya sa akin kaya umalis ako sa harap ng pinto. Nakita kong may dala siyang susi at sinubukang buksan ang pinto pero hindi niya mabuksan.
"Naka-lock sa loob." reklamo ni Doktora bago kinalampag ang pinto. "Luigi! Open this door!" sigaw niya at kinalampag ulit ang pinto. Walang sumasagot mula sa loob kaya matapos ng ilang kalampag at tumigil na si Doktora. Bumaling siya sa akin at ngumiti.
"Salamat sa pagpigil sa kanya kanina." sabi niya.
"A-ano... w-wala po iyon." nasabi ko na lang.
"Tara na sa baba. Hindi siya lalabas hanggang bukas." sabi niya kaya napatingin ako saglit sa pinto
"Tita, marami siyang sugat at pasa." sabi ko.
"He'll be okay, don't worry." sabi niya kaya napatango ako. Nagsimula nang maglakad paalis si doktora kaya napatingin ulit ako sa pinto.
"Luigi! Huwag kang magpapakamatay, ha!" sigaw ko bago tumakbo paalis.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...