Note!!!!
Ngayon lang ulit ako naglagay note kaya pasensya na sa kaepalan ko. Gusto ko lang humingi ng pabor sa inyo na bumabasa ng story na ito kung meron pa. Isinali ko ang story na ito sa wattys2016. Vote and comments kayo tapos recommend n'yo na din kung trip ninyo haha yun lang. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ko sa inyo. Lab ya!
----
Luigi's PoV
"Dave, may ihahabilin sana ako sa'yo."
Mula sa libro ay nabaling ang atensyon ko kay Lola.
"Ang sabi ni Annaliza ay papasok na si Jerrah sa unibersidad sa susunod na pasukan." sabi niya kaya napatango ako. "May gusto akong ipakiusap, para sa ikabubuti ni Jerrah. Bantayan mo siya." sabi niya kaya napataas ang isang kilay ko.
"La, hindi na bata si Jerrah." sagot ko.
"Alam ko, basta bantayan mo siya. May mga taong lalapit sa kanya dahil sa itsura niya." sagot niya bago lumabas ng kwarto ko.
Hindi ko alam ang ibig sabihin ni Lola pero umalis na siya ng bahay matapos no'n at iniwan si Levi.
Ilang araw na rin ang lumipas mula noon at laging nakabuntot si Levi kay Jerrah.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ng maayos ni Jerrah. Hindi na siya nagtatago pero halos hindi naman ako makalapit sa kanya dahil kay Levi.
"Levi!" tawag ko sa pinsan kong nime years old noong makita siya sa sala pag-uwi ko.
"Bakit kuya?" tanong niya paglapit sa akin. Ginulo ko ang buhok niya kaya agad siyang lumayo.
"Bakit ba lagi kang nakabuntot kay Jerrah?" tanong ko. Ngumuso siya na parang nag-iisip pa ng isasagot sa akin.
"Kasi lagi niya akong pinapakain!" sagot niya, hindi ko alam pero hindi ako makumbinsi ng aagot niya.
"Sure ka?" tanong ko, tumango siya at ngumisi.
"Why kuya? Nagseselos ka ba?" tanong niya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway.
"Kilabutan ka nga! Bakit naman ako magseselos? Nakikita mo ba itsura no'n?" tanong ko pa pero lalong lumawak ang ngisi niya.
"Mali ang intindi mo, kuya. Pero don't worry po ikaw pa rin ang favorite pinsan ko." sabi niya kaya naguluhan ako.
"Levi?" napatingin ako sa pinto ng kusina nang lumabas si Jerrah at tumingin sa gawi namin. "Tara na dito, Luto na iyong hot cake." tawag niya sa bata at hindi man lang ako binati.
"E-ehem! Nandito rin ako." paramdam ko pero tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi ako bulag, nakikita kita." pambabara niya dahilan para matawa itong bata sa tabi ko.
Marahan kong sinapok si Levi sa ulo para tumigil sa pagtawa. Pero dahil may pagka-OA ang batang ito ay umaray siya nang malakas.
"Bakit mo naman binatukan ang bata." nagtataka akong napatingin kay Jerrah nang lumapit siya sa amin at hinila palayo sa akin si Levi.
"Mahina lang naman iyon!" depensa ko pero tiningnan niya ako ng matalim.
"Kahit na!" inis na sabi niya at bumaling kay Levi. "Tara, lalamig na iyong hot cake." sabi niya at iniwan nila ako sa sala.
Dahil bigla akong nakaramdam ng gutom ay sumunod ako sa kanila. Nakita ko si Jerrah na asikasong asikaso si Levi. Kulang na lang ay subuan niya ito.
"Pahingi rin ako." sabi ko at umupo sa tabi ni Levi. Bale napapagitnaan namin si Levi.
"Kumuha ka na." sabi niya nang hindi man lang bumabaling sa akin. "Ang kalat mo kumain." puna niya kay Levi at pinunasan ang chocolate syrup sa gilid ng labi nito.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasiThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...
