UHS-34

270 18 0
                                    

Luigi's PoV

“Iyong kulay light blue na bahay tapos silver na gate.” sabi ni Melvin kaya napakunot noo ako.

“Ha?” tanong ko naman.

“You want to see Jerrah, right? Iyon ang bahay ni Caroline.” nakangising sabi niya kaya napailing ako.

“Binibisita kita kaya bakit mo ko tinataboy.” reklamo ko pa pero napatingin din ako sa labas at hinanap iyong bahay na tinutukoy niya.

Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Jerrah. Hindi ko alam kung paano niya nagawang iwasan. Ni-anino niya ay hindi ko nakita kahit nasa iisang university lang kami.

“Hindi mo ko maloloko. Pumupunta ka lang dito sa bahay ko kapag birthday ko.” sabi pa niya.

“Si Brian ang nag-ayang pumunta dito. Nauna lang akong dumating.” paliwanag ko pa kaya napa-iling na lang siya.

Binigyan na lang niya ako ng isang bote ng beer. Ilang sandali lang ay dumating sila Brian at Jerume.

“Dumating na pala iyong pinsan mo.” sabi ni Jerume kaya napatango si Melvin.

“Oo, siguradong na kila Caroline iyon. Sinabihan ko na kasing hindi niya makikita iyong Jerrah na kilala niya.” naiiling na komento ni Melvin kaya napatayo ako.

“Saan punta?” tanong ni Brian.

“May kukunin lang ako sa kotse.” sabi ko at lumabas.

Imbis na pumunta sa kotse ay hinanap ko iyong bahay na light blue na may silver na gate. Hindi naman kalayuan kaya nagpunta na ako doon. Nakita ko sa harap ang sasakyan ni Raizon at bukas ang gate. Sisilip sana ako pero biglang lumitaw si Raizon buhat-buhat si Caroline. Umiiyak si Caroline at parang namamalipit sa sakit.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ko at tinulungan siyang isakay si Caroline sa back seat.

“I-i don't know. H-hindi ko alam, okay naman sila kanina.” natatarantang sabi niya at luminga. Parang may hinahanap. “Si Jerrah di—” hindi ko na siya pinatapos magsalita at dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay.

“Jerrah!? Nasaan ka?” sigaw ko pero wala akong makuhang sagot.

Natigil ako sa paglalakad nang makita siya sa kusina. Nakaupo siya sa sahig at nakatulala. Agad kong napansin na dumudugo ang ilong niya. Palapit na ako sa kanya nang bigla siyang bumagsak sa sahig. Biglang bumilis ang tibok ang puso ko at agad akong binalot ng katot.

Napatakbo ako at mabilis siyang dinaluhan. Pagdampi pa lang ng palad ko sa balat niya ay ramdam ko agad ang init. Inaapoy siya ng lagnat kaya agad ko siyang binuhat. Nakita ko pa sa labas si Raizon na pilit pinapakalma si Caroline pero mukhang hindi nakakatulong iyon.

“Susi? Ako magda-drive.” utos ko kaya agad niyang binigay. Pumasok siya sa back seat upang alalayan si Caroline habang ako ay inilagay ko si Jerrah sa passenger seat at ikinabit ang seatbelt. Nang masiguro kong maayos na ang pwesto ni Jerrah ay mabilis akong lumipat sa driver seat.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan at paulit-ulit kong pinipindot ang busina upang ipaalam na may emergency. Inutusan ko si Raizon na tawagan si Melvin at ang ospital namin para si Mama ang sumalubong sa amin.

Pagdating sa ospital ay agad na dinaluhan si Jerrah at Caroline. Ipinasok sila sa E.R. kaya naiwan kami ni Raizon sa labas.

Lumapit ako kay Raizon at agad siyang kinuwelyuhan.

“Ano ba ang nangyari!?” inis na tanong ko.

“H-hindi ko alam… nabigla lang din ako sa nangyari. Noong dumating ako okay naman sila pero bigla na lang sumigaw si Caroline at noong pinuntahan namin siya ni Jerrah ay bigla na lang dumugo ang ilong ni Jerrah.” naguguluhang paliwanag niya.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon