Jerrah's PoV
‘Jerrah!’
Mahina lang ang tinig na narinig ko pero sigurado akong boses iyon ni Luigi. May naririnig pa akong isang boses at sigurado rin akong si Phillip iyon. May pinag-uusapan sila pero hindi ko maintindihan dahil masyadong mahina ang mga tinig nila.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko. Nais ko sanang gumalaw mula sa kinatatayuan ko pero para akong naestatwa dahil kahit ang mga daliri ko ay hindi ko maigalaw.
Inalala ko ang mga nangyari kanina. Ang alam ko lang ay kausap ko si Luigi at noong balak ko nang umalis at bumalik sa bahay ay biglang nagdilim ang paligid ko at hindi na ako makagalaw.
‘Jerrah! Please, Wake up!’
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi maganda ang kutob ko sa kabang nararamdaman ko. Natigilan ako nang unti-unting lumakas ang mga boses na narinig ko.
‘Jerrah is now part of the family and I am protecting her from him!’
‘Fvck you! She's not a part of your family! Jerrah is fine with me, dumating ka lang kaya nagkagulo!’
‘Kahit mapaos ka diyan ay hindi ka niya maririnig.’
‘Then use a spell or anything to wake her up!’
Spell? Ibig sabihin ba nito ay ginamitan na naman ako ni Phil ng kapangyarihan niya?
Natigilan ako noong lalong umingay sa paligid at narinig ko ang pangalan ng kambal at ang pagalit na sigaw ni Phillip. Nagtataka ako dahil hindi ko na marinig ang boses ni Luigi.
‘J-jerrah… Jerrah… M-mahal na mahal pa rin k-kita kahit anong klaseng n-nilalang ka pa…’
Mahina ang boses niya at parang hirap na hirap siyang banggitin ang mga salitang iyon, pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi niya.
Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman, hindi ko malaman kung matutuwa, malulungkot, matatakot o mangangamba.
Natigilan ako noong maramdaman ang isang malamig na bagay ang gumuhit sa aking mga pisngi kasabay noon ay ang mga alaala na biglang naglaro sa isip ko. Ang mga pag-aaway namin noon, ang pasimpleng pagmamalasakit niya sa akin. Ang lalaking nagustuhan ko na kahit sobrang yabang ay mapagmahal. Ang hindi sinasadyang halik at ang pagiging mapagmahal niya kahit na kakaiba ang itsura ko sa lahat.
Lalo akong napaluha noong mapagtanto na maling mali ang desisyon kong lumayo. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagkamuhi kay Phillip dahil sa ginawa niyang pananamantala noon. Wala sa usapan namin na gagayumahin niya ako.
Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko, hindi ako mapalagay at masama ang kutob ko sa nangyayari na baka may nangyaring masama kay Luigi.
‘Mahal na mahal din kita!’ gustong isigaw ang sagot ko sa huling sinabi niya pero walang tinig na lumalabas sa akin.
‘Mahal na mahal din kita!’
Muli akong huminga nang malalim, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko hanggang sa napansin kong unti-unting nagkakaroon ng liwanag sa paligid ko.
‘Mahal na mahal din kita…’ sinubukan ko muling sabihin, nagawa ko lang buksan ang bibig ko pero walang tinig na lumabas. Muli ay huminga ako ng malalim.
“Aahh!”
“M-ahal na mahal din kita.” sa wakas ay nagawa kong isa-tinig ang nais kong sabihin kahit mahina lang ang boses ko.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasiaThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...