UHS-37

299 16 2
                                    

“Bakit naman biglaan?” tanong ni Nanay na nagkukusot pa ng mata.

“T-tay, saan naman tayo pupunta?” tanong ko. Tiningnan lang niya ako ng masama.

Ilang sandali pa ay narinig kong kumakatok si Luigi sa pinto namin. Hindi ko magawang buksan dahil alam kong magagalit si Tatay.

“Huwag na pala tutal ay nandoon na ang ibang gamit natin. Babalikan ko na lang ang ibang gamit natin. Tumayo ka na diyan Cora.” utos niya Tatay.

“Ano bang nangyari?” tanong ni Nanay sa akin pero hindi ko na nagawang sagutin dahil natuon ang atensyon ko kay Tatay noong buksan niya ang pinto ng kwarto.

“Luigi, kung ayaw mong mabasag yang mukha mo ay lumayo ka muna sa akin at sa anak ko.” banta ni Tatay.

“Lito, ano bang nangyayari?” tanong ni Nanay na naguguluhan na.

“Dalian ninyo at pumunta na kayo sa Van.” utos ni Tatay sa amin.

“S-saan tayo pupunta, Tay?” tanong ko ulit pero hindi niya pa rin ako pinansin. Napatingin ako kay Luigi.

“Tito, Saan kayo pupunta? Magpapaliwanag muna ako.” pakiusap ni Luigi pero parang bingi si Tatay.

“Cora, dalhin mo si Jerrah sa Van.” mariing utos ni Tatay kaya kahit walang ideya sa nangyayari ay dinala ako ni Nanay sa garahe.

“Ano bang ginawa mo at galit na galit ang tatay mo?” tanong ni Nanay kaya napaiwas ako ng tingin. “Jerrah, anong nangyari?” tanong ulit niya. Tutal naman ay malalaman din niya ay aaminin ko na.

“Nakita niya kasi kami ni Luigi sa hardin h-habang n-naghahalikan.” nauutal na sabi ko.

“A-ano!?” gulat na tanong niya. “Jusko! Kaya pala galit na galit ang tatay mo!” sermon niya.

Ilang minuto lang ay dumating na si Tatay at pinasakay kami sa loob ng Van. Nagtataka man ay hindi ko na nagawang magtanong kung bakit dito kami sumakay.

Bago pa mapaandar ni Tatay ang van ay nakita ko na si Tita Annie sa gilid at kinatok ang salamin. Bumaba saglit si Tatay at nag-usap sila. Hindi narinig ang pinag-usapan nila pero nakita kong napailing si Doktora at bumaling kay Luigi. Matapos nilang mag-usap ay pumasok na ulit sa driver's seat si Tatay. Pinabuksan ni Doktora ang gate at wala akong magawa kundi tingnan si Luigi mula sa loob ng kotse nakita ko pang sinampal siya ni Tita Annie.

Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Galit si tatay at alam ko iyon per bakit kailangan naming umalis?

“T-tay…” tawag ko kay tatay pero agad akong pinigilan ni Nanay.

“Huwag ngayon. Mainit ang ulo ng tatay mo. Bukas na kayo mag-usap.” bulong niya kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon.

Ilang minuto lang ang lumipas ay huminto ang sinasakyan namin at bumaba si Tatay. Lumingon ako sa paligid dahil hindi pa naman kami lumalabas ng village, nakahinto lang kami sa tapat ng isang bahay. Malaki ito pero 'di hamak na mas malaki pa rin ang bahay ni Doktora. Napansin ko na lang nabukas na ang gate at palapit na si Tatay sa amin.

Nagtataka akong napatingin kay Nanay pero bago ko pa nagawang magtanong ay nakabalik na si Tatay sa van.

“Pumasok na kayo.” utos niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Kahit marami akong gustong itanong pero alam kong hindi iyon masasagot lalo na at mainit ang ulo ni Tatay. Mas pinili kong manahimik at sumunod kay Nanay papasok sa bahay, inihatid niya ako sa isang kwarto sa ikawalang palapag.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon