"Jerrah, ma-" pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.
"A-ahem!" At gumuho nang may tumikhim mula sa likod namin.
"May dumi ka pa. Para kang bata kumain." nakangiting sabi ni Luigi at lumingon sa likod. "Ma, tito, ice cream." alok niya.
Mabilis akong tumayo at dinala ang tasa ko sa lababo. Naiinis ako! Alam ko namang hindi dapat pero hindi ko mapigilan.
"Tatawagin ko na po si Nanay para makapaghapunan kayo." paalam ko at nagmamadaling lumakad, hindi na tumingin kay Luigi.
***
Ilang araw akong iritado kay Luigi. Lalo na ngayon dahil kanina ay nagpumilit siyang ihatid ako sa university para sa exam ko. Kanina pa siya nakangisi kaya hindi ko alam kung ano ang masamang balak niya.
"Hindi mo naman ako kailangang samahan." sabi ko at pilit siyang inunahan sa paglalakad.
"Hindi mo naman alam kung saan ka pupunta." natatawang sabi niya kaya natigilan ako.
Bakit na kasi hindi na lang sa akin sinabi ni Melvin para hindi ko kasama itong lalaki na ito. Lagi siyang tinitingnan ng mga estudyante kaya kahit nakasuot ako ng malaking jacket ay sa amin pa rin napupunta ang atensyon ng mga tao dito.
"Jerrah, may problema na naman ba tayo?" tanong niya habang naglalakad kami. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko na kanina pa naghuhurmentado noong sabihin niya na siya ang maghahatid sa akin.
"Wala!" sabi ko na lang at hindi na nagreklamo.
Paano ba nangyari ito? Ang natatandaan ko ay naiinis ako sa kanya kaya paanong nagugustuhan ko na siya. Sinubukan ko namang umiwas pero dahil magkasama kami sa bahay ay wala akong takas. Kahit na noong subukan kong gamitin ang kapangyarihan ko para hindi siya makita pero tuwing mag-aanyong pusa ako ay lumilitaw siya at huhulihin ako.
"Jerrah!"
"Jerrah!"
"Bakit?" iritadong tanong ko, nakahinto na siya at hindi ko namalayan na nauuna na naman ako. Lalo akong nainis noong ngumisi na naman siya.
"Bakit parang wala ka sa sarili?" tanong niya paglapit ko sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama. "Dito na tayo." sabi niya at lumapit sa isang pinto.
Kumatok muna siya bago pumasok. Sumunod ako sa kanya at nakita ko kaagad si Melvin mukhang kagalang-galang sa suot na white polo na may mahabang sleeves.
"Uy, ayos sa porma parang kokey lang." bati niya kaya tiningnan ko siya ng masama. "Bad mood." komento niya bago tumayo at tinuro ang isang upuan at mesa sa gitna mismo ng kwarto.
Tiningnan ko si Luigi sa gilid na parang may hinahanap sa maliit na ref. Naglabas siya ng dalawang bote ng juice at ibinigay sa akin ang isa bago umupo sa couch sa gilid.
"Marami ba siyang exam?" tanong pa ni Luigi.
"Mr. Fermin, I'm sure na may klase ka ngayon kaya anong ginagawa mo dito?" tanong ni Melvin.
"Obviously, sinasamahan si Jerrah." prenteng sagot niya kaya napataas ang isang kilay ko.
"Hindi, day care student si Jerrah kaya mawalang galang na lumayas ka sa harap namin." pagtataboy ni Melvin kaya walang nagawa si Luigi at lumabas ng silid. Napatingin ako kay Melvin ng bigla niyang ilapag ang mga papel sa mesa. "Ano bang ginawa mo kay Luigi?" tanong niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"H-ha?" tanong ko.
"Masyado siyang clingy sa'yo." komento niya at bumalik sa mesa niya. Nakahinga ako ng maluwag pero nagtataka sa sinabi niya na clingya akin si Luigi. "Sagutan mo lahat yan. I'm sure madali lang yan para sa'yo Miss Jerrah Sercado." sabi niya kaya itunuon ko na lang ang atensyon sa mga papel sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...