Ang tahimik na kusina ay binulabog ng isang nakakabinging sigaw.
Pinakiramdam ko ang sarili ko kung sa akin ba galing ang sigaw pero parang hindi naman dahil may kalakihan ang boses na narinig ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubog sa paningin ko ang namumutlang mukha niya, nakasandal siya sa pader na para bang iyon lang ang nagsalba sa kanya sa pagkakatumba. Ilang segundo niya akong tiningnan bago kumunot ang kanyang noo.
“What the hell is your problem!?” sigaw niya kaya napakunot noo rin ako.
“Ako dapat ang nagtatanong niyan! Ano bang problema mo!?” sigaw ko at dinuro siya pero dahil hawak ko pa ang malaking kutsilyo ay napa-urong siya.
“Problema ko? Ikaw! Problema ko ang bigla mong paglitaw sa kung saan-saan!” sigaw niya.
“At paano naging problema 'yon? Ikaw nga diyan ang lumilitaw bigla!” sigaw ko rin. Naiinis ako! Sobrang kaba pa naman ang naramdaman ko. Akala ko talaga ay magnanakaw na.
“Nakakatakot 'yang mukha mo kaya problema 'yon!” sigaw niya kaya lalo akong nainis. Inilapit ko ang kutsilyo sa kanya.
“Ano ngayon kung nakakatakot ang mukha ko!?” tanong ko at hindi pinakinggan ang utos niya.
“Ibaba mo nga yang kutsilyo!” pasigaw na utos niya.
“Hindi mo kailangang sumigaw hindi ako bingi!” mas malakas na sigaw ko.
“Sinisigawan mo ko kaya sumisigaw ako!” sigaw ulit niya kaya mas inilapit ko ang kutsilyo kanya, kaya lang ay inagaw niya iyon at padabog na inilapag sa mesa.
“Paanong hindi ako sisigaw akala ko may magnanakaw tapos ikaw lang pala at nanlalait ka pa.” iritadong sabi ko.
“Mukha ba kong magnanakaw? At isa pa hindi kita nilalait.” asik pa rin niya.
“Ano bang nangyayari?”
“Ang madaling araw pa lang nagsisigawan kayo.”
“Hindi? Ano tawag mo do'n papuri? Malay ko ba, madilim kaya hindi kita namukaan!” mariing sabi ko.
“May naririnig akong sigawan. Ano ba nangyayari?”
“Hindi mo ko nakilala? Tapos kung makatutok ka ng kutsilyo kulang na lang isaksak mo sa akin! Paano kung namatay ako!?” reklamo pa rin niya.
“Nakatakot nga kasi ako! Hindi naman kita sinaksak, ah!” maang ko.
“Ma, why so ingay? It's so ealy pa.”
“Natatakot ka?” natatawang tanong niya dahilan para mapataas ang kilay ko. “You don't have too, siguradong mas matatakot iyong magnanakaw sa'yo dahil sa itsura mo.” hindi na ako nakapagpigil ng inis kaya sinapak ko na siya.
“Oh my goshie!”
“Jerrah!”
Natauhan lang ako ng makarinig ng mga sigaw. Luminga ako sa paligid at doon ko napansin na nandito silang lahat pati na si Doktora at ang asawa niya.
“Jerrah, Luigi, follow me.” matabang na sabi ni Doktora at tumalikod. Napatingin ako kay tatay at tumango lang siya para sumunod ako kay Tita Annie.
Wala akong nagawa kaya nakayuko akong sumunod sa sala kung saan pumunta si Tita Annie. Halos sabay lang kaming umupo ni Luigi.
“Now I want the two of you explain what's happening at nagsisigawan kayo nang ganitong oras.” utos ni Doktora.

BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasíaThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...