Jerrah's PoV‘P-please… don't leave. Lahat na lang sila iniiwan ako.’
Matapos niyang sabihin iyon ay umiyak siya. Hindi ko siya nakita o narinig na humikbi pero naramadaman kong nabasa ang bahagi ng damit ko kung saan nakadikit ang mukha niya. Hindi ako komportable sa pagyakap niya pero hinayaan ko lang siya. Noong makatulog siya ay hindi na ako umalis. Hindi ko magawang umalis dahil baka pag nagising siya at wala ako ay isipin niyang iniwan ko siya.
Kinabukasan noon ay ginising ko pa siya ng madaling araw para lang magpaalam na baba na ako. Hindi siya tumango o nagsalita. Hinayaan lang niya ako.
“Tay, ganyan ba talaga si Luigi?” tanong ko kay Tatay habang tinutulungan ko siyang punasan ang salamin ng sasakyan ni Doktora.
Gabi na at tapos na rin akong magligpit ng mga kinainan kaya sinamahan ko si Tatay dito.
Halos dalawang linggo na ang lumipas simula noong magwala si Luigi pero wala pa ring pagbabago sa kilos niya. Tahimik lang siya at palaging umiinom kapag gabi. Nakita kong nag-aaalala si Doktora pero hindi niya sinasabihan o pinipigilan si Luigi.
“Normally, ilang araw lang siya magmumukmok pero ngayon matagal. Siguro kasi mahal na mahal niya si Angela.” napangiwi ako sa sagot ni Tatay, kaya natawa siya sa reaksyon ko.
“Para na siyang zombie.” sabi ko kinutukoy si Luigi. Sa dalawang linggo ay halos hindi nakikipag-usap kahit kanino si Luigi. Minsan ay kausap niya si Tatay habang nag-iinuman sila.
“Magiging okay din siya. Naglalabas lang yan ng sama ng loob.” sabi pa ni Tatay bago pinagpatuloy ang paglilinis kaya napatango ako. Iyon din ang sabi nila Brian sa akin.
“Lagi ba talagang iniiwan si Luigi ng mga ex niya?” tanong ko dahilan para matigilan si Tatay at mapatingin sa akin.
“Oo. Mabait na bata iyang si Luigi kaya nagtataka ako kung bakit iniiwan siya ng mga nagiging girlfriend niya. Ayaw pa naman ng bata na iyon na iniiwan siya.” naiiling na sabi ni Tatay kaya ako naman ang natigilan.
“Bakit?” tanong ko. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya noong umiyak siya.
“Mahabang kwento. Teka!? Bakit ba ang dami mong tanong? May gusto ka ba kay Luigi?” tanong ni Tatay kaya napairap ako.
Ito na naman tayo sa kapag tanong nang tanong may gusto agad portion.
“Wala!” mabilis na sagot ko pero tinitigan lang ako ni Tatay. “Hindi porque nagtatanong ako ay may gusto na ako. Hindi lang kasi ako sanay na ganyan siya.” paliwanag ko pa.
“Noong bata si Luigi nagalit siya kay Doktora.” sabi ni Tatay kaya napakunot-noo ako.
“Bakit?” tanong ko.
“Dahil nagpakasal ulit si Annie. Ang akala ni Annie ay okay lang kay Luigi pero hindi pala. Naging malayo ang loob niya kay Doktora lalo na noong pinanganak si Marian. Pakiramdam niya iniwan siya at pinabayaan kaya ako ang laging nilalapitan ni Luigi kapag may school activity siya or pinapatawag sa school si Doktora. Iyon ang mga panahon na nagtampo ka naman sa akin kasi hindi ako nakauwi no'ng birthday mo.” paliwanag niya.
Napatango na lang ako, hindi ko naaalala iyon kasi apat na taon pa lang ako noon at ikinuwento lang ni Nanay na hindi ko pinansin si Tatay noong umuwi siya.
“Nagkaayos rin naman sila agad kaya naging malapit na ang loob ni Luigi kay Marian. Pero hindi nawala sa isip niya na minsan siyang iniwan ni Doktora para kay sir Fred.”
***
Natahimik ako dahil sa mga nalaman ko. Marami pang ikinwento si Tatay tungkol kay Luigi. Kung paano natanggap ni Luigi ang bagong asawa si Doktora at ang problema sa tangkang pagpapalit ng apelido ni Luigi. Hindi ko inakala na marami siyang pinagdaanan nong bata siya, kasi masyado siyang makulit at masayahin noong nakilala ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/13196785-288-k552820.jpg)
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...