Luigi's PoV
'Hindi mo kailangang intindihin. Mas mabuting lumayo ka... kaysa may masamang mangyari sa'yo.'
Hindi ko talaga maintindihan. Natatanga na ba ako o sadyang magulo lang siya?Pero ang mas nakakapagtaka naman ay imbis na kulitin o tanungin ko siya ay sinusunod ko ang mga sinasabi niya. As if no choice ako. Ilang linggo na kaming ilag sa isa't isa at nagsisimula na ring magtaka ang mga kaibigan ko.
Hindi ko siya ginulo at hinahayaan ko siyang umiwas sa akin. Lalapitan ko lang siya at kakausapin kapag kailangan. Napaka-casual lang kaya parang ayokong maniwala na gusto niya ako.
'Kung gusto niya ako bakit niya ako tinataboy?'
"Dude?"
Normally, kapag gusto ng isang babae ang isang lalaki ay gusto niyang mapalapit dito. Sa case ni Jerrah, lumalayo siya sa akin, this means abnormal talaga siya.
"Luigi babe..."
Pero what does she mean about sa masamang mangyayari sa akin kapag lumapit pa ako sa kanya? Siguro tinatakot niya lang ako?
"Aray!" reklamo ko noong biglang may tumama sa batok ko. Napatingin ako sa mga kasama ko. "Problema mo?" tanong ko kay Brian.
"Dude, wala kaming problema pero ikaw mukhang marami. Kanina ka pa namin tinatawag hindi ka man lang lumingon." sabi niya.
"Bakit ba?" inis na tanong ko.
"Taray mo naman Luigi babe! Don't tell me LQ kayo ni Gianne?" maarteng tanong ni Jerume.
"Hindi. We're fine." maikling sagot ko.
"Okay naman pala kayo, eh! Teka nga! Matanong ko lang kilala mo ba iyong parang foreigner na kasama lagi ni Jerrah?" tanong ni Brian kaya natigilan ako.
Nitong nakakaraang linggo ay napansin ko rin na laging kasama ni Jerrah iyong lalaking nagdala sa kanya sa clinic noong minsan siyang nawalan ng malay.
"Bakit?" tanong ko.
"Dude! Alam mo ba yong feeling na naagawan ka?" reklamong tanong ni Brian kaya napakunot noo ako. Hindi ko alam pero bigla akong nairita kay Brian.
"May gusto ka kay Jerrah?" iritadong tanong ko.
"Ay letche! Luigi kilabutan ka nga! What I mean is sa pagkain! Ang dumi ng utak mo! Hindi na umaabot sa akin iyong pagkain na baon ni Jerrah kasi pati 'yong foreigner ay nakikikain!" reklamo niya.
"Umuwi ka kasi sa inyo o 'di kaya bumili ka ng pagkain mo." sabi ko at iniwanan na sila. Mga abnormal din talaga mga kaibigan ko.
Habang naglalakad naman ako palabas ng cafeteria ay nakita ko si Raizon at Jerrah na masayang nag-uusap.
"P're, tapos na vacant mo?" tanong ni Raizon nang makita ako habang si Jerrah ay dire-diretsong naglakad at lumapit kila Jerume at Brian. Nakita ko pa ang pag-aabot ni Jerrah ng dala niyang bag kay Brian.
'Bakit sa iba ang bait niya samantalang sa akin ni-hindi man lang makatingin.'
"Luigi?" napalingon ako kay Raizon. May tinatanong nga pala siya.
"Hindi pa, pupuntahan ko pa girlfriend ko." sabi ko kaya tumango siya at sumunod na kay Jerrah pero bago pa siya makalapit ay dinamba siya ni Caroline dahilan para magtawanan sila.
Bigla akong nakaramdam ng inis. Nagagawang tumawa ni Jerrah kapag kasama sila pero kapag kasama ako ay hindi man lang siya magsalita.
"Why don't you join them?"
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...