UHS-30

330 17 10
                                    

Umuwi ako sa bahay na gulong-gulo.

"Hi, ate!" bati ni Marian noong magkasalubong kami sa garahe, pero tiningnan ko lang siya. "Saan ka galing? Parang ang tamlay mo?" tanong niya.

"Medyo napagod lang. Una na ko." paalam ko at nagtungo sa hardin upang doon manatili kahit gabi na.

Napabuntong hininga ako at napapikit. Alam kong anumang oras ay tutulo na ang luha ko dahil sa mga nalaman ko.

"Jerrah..." napamulat ako at napatingin sa gilid ko. Nakita ko doon si Luigi na mukhang kararating din lang. "Ayos ka lang?" tanong niya kaya napailing ako.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa namalayan ko na lang na medyo nanlalabo ang paningin ko. Agad na lumapit sa akin si Luigi at inalo ako. Hindi ako lumayo o umiwas noong akbayan niya ko. Hindi siya nagtanong pero hindi niya rin ako iniwan kaya lalo akong napaiyak. Niyakap niya ako noong magsimula akong humikbi at pakiramdam ko ay parang sinasabi niya na sige umiyak ka lang. Nandito lang ako.

"H-hindi ko sinasadya... A-ang sama sama ko! Wala na akong naidulot na mabuti! Lagi ko na lang nasasaktan ang mga tao sa paligid ko!" nasabi ko na lang. Alam kong hindi niya ako naiintindihan pero lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya.

"Hush... don't say that." sabi niya at bahagyang lumayo para makaharap sa akin. "Jerrah, hindi ka masama... pangit ka lang." nakangiting sabi niya. Hindi ko alam kung pinapagaan niya ang loob ko o inaasar.

Nanatili muli kaming tahimik, hindi na ako nagsalita at ilang sandali pa ay tumayo na ako.

"Luigi, salamat." hindi ko na siya hinintay na magsalita at umalis.

***


"Alam mo bang nakakainis ka?" tanong ko.

Kanina niya pa ako kinukulit at nakaka-irita na. Kung alam ko lang na nasundan niya ako dito, edi sana hindi ko na iniwasan si Caroline at Rai noong nakita ko sila kanina.

"Nope, hindi ba gusto mo ko?" tanong niya kaya natigilan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko kaya umiwas ako ng tingin at kumain ng baon ko.

Hindi siya nakuntento sa pang-aasar at pati ang baon ko ay pinagtripan!

"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ka umiiyak kahapon? Anong ginawa ni Caroline sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya kaya umiling ako.

"Wala, may bigla lang akong naalala kahapon." sagot ko na lang.

"Ano? Hindi ka iiyak kung wala lang iyong naalala mo." sabi pa niya. Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot. "Hay... Huwag mo na sagutin." sabi niya at kumain muli.

Binalot kami ng katahimikan habang kumakain hanggang sa bigla na lang niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko.

"A-anong problema mo?" tanong ko. Hindi siya sumagot pero nanatili ang kamay at tingin niya sa mukha ko. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako komportable dahil sa tingin niya. "L-luigi..."

"Twenty eight na lang ang bulutong mo sa mukha." seryosong sabi niya kaya hindi ko alam kung nagbibiro ba siya.

Ini-anggat ko ang aking mga kamay hanggang sa mahawakan ko ang kanyang mga kamay, agad ko iyong kinurot kaya mabilis niyang inilayo ang kanyang sarili.

"Masakit!" reklamo niya.

"Wala akong paki! Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo!" iritadong sabi ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Meron ka?" biglang tanong niya. Pakiramdam ko ay ako pa ang nahiya sa tanong niya.

"May klase ka pa 'di ba?" tanong ko na lang kaya napatingin siya sa relo niya.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon