UHS-2

720 24 1
                                    

"J-jerrah? Pa-paano mo nagawa yon?"

Napaligon ako sa gilid at nakita si Mary. Bakas ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Ha? Ang alin? Kanina ka pa ba diyan? Siguro ikaw ba ang bumato sa akin, noh?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi! Nakita ko na lang gumalaw ang cup at lumipad sa mukha mo!" Gulat na sabi niya at nagmamadaling lumapit sa akin. "Paano mo nagawa iyon?" tanong niya. Napatingin naman ako sa cup at laking gulat ko ng wala na iyon doon. Nasaan na iyon?

"Wala akong ginagawa." sagot ko at tumingin sa kanya.

"Nakita kita! Ikinumpas mo ang kamay mo tapos biglang lumipad patungo sa'yo ang cup." sabi niya at saglit na natigilan, para bang may napagtanto siya. "OH MY GHAD! Napagalaw mo best!? Ang galing mo may po-" bigla kong tinakpan ang bibig niya. Dahil sa lakas ng boses niya. Ewan pero bigla akong kinabahan. At naguguluhan pa rin ako.

"Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo." mahinang sabi ko at inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Huh? Bakit?" tanong niya nang alisin ko ang aking kamay sa bibig niya. Bigla kasing nagplay sa utak ko ang sinabi ni Lola.

'Huwag mong hahayaan na may makaalam ng tungkol sa librong ito.'

"Isikreto na lang natin ito, Mary. Hindi maganda ang kutob ko." sabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero tumango na rin siya.

"Pero Jerrah paano mo iyon nagawa? At anong libro yan?" tanong ni Mary at itinuro ang libro na nasa kandungan ko. Dahil ako man ay nagtataka sa mga nangyari ay nagdesisyon akong ikwento ang nangyari kahapon. Mula sa insidenteng pambubuhos ni Caroline sa akin hanggang sa pag-alis ni lola.

"Sapalagay ko mangkukulam ang nagbigay sa'yo ng libro na yan, tapos pinasa niya sa'yo ang kapangyarihan niya." sabi ni Mary. Medyo napakunot ako sa sinabi niya. Mangkukulam?

"Mangkukulam? As in witch? Totoo ba 'yon? At kung totoo 'yon meaning mangkukulam na din ako?" tanong ko bigla namang tumayo si Mary at kinaladkad ako.

"Ewan ko! Tara, mag-research tayo!" sabi niya habang hinila ako papunta sa bahay nila. May kalakihan ang bahay nila Mary at may sarili siyang computer sa kwarto niya.

Pagdating namin sa kwarto niya ay agad niyang binuksan ang computer at nag-search kay google. Binasa namin lahat ng articles about witchcrafts at pati na rin sa sorcery. Nanlumo ako at nakaramdam ng takot dahil sa mga nabasa ko.

Bakit?

Ang mga mangkukulam daw kasi kampon ng mga demonyo.

"Mary, sumpa ata ang ibinigay sa akin ni Lola." sabi ko saka humiga sa malambot na kama ni Mary. Nakakainggit talaga itong kwarto ni Mary. Maluwag na, may kama pa tapos idagdag mo pa ang computer.

"Hindi naman siguro! Tara!" sabi ni Mary at muli akong hinila. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa loob ng Cathedral.

"Ano gagawin natin dito?" tanong ko nang makapasok kami sa loob ng simbahan. Tiningnan naman niya ko ng mainam.

"Wala ka bang naramdamang kakaiba?" tanong niya. Napakunot-noo ako dahil sa tanong niya.

"Wala. Bakit ba?" tanong ko. Nakita kong napatango siya at ngumiti.

"Ibig sabihin hindi ka devil!" masiglang sabi ni Mary dahilan upang mapatingin sa amin ang mga nagdarasal.

"Joker ka talaga! Tara nga!" sabi ko habang tumatawa ng pilit. Hinila ko na din siya palabas dahil naaabala namin mga nagdadasal sa loob. "Sira ka talaga! Paano pala kung nasunog ako!" Inis na sabi ko.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon