UHS-49

290 16 9
                                    

"H-hora est-taro a-awela nesa l-laprin..." ulit ko at balak sanang dampian muli ng halik si Luigi pero may pumigil sa akin.

"Jerrah, pasensya na pero mababaw na sugat lang ang kayang pagalingin ng spell na yan." sabi ni Ilya kaya napalingon ako sa kanya.

"I-ikaw... m-makapangyarihan ka hindi ba? S-siguradong k-kaya mo siyang p-pagalingin!" halos pasigaw kong sambit pero umiling lang siya.

"Pwede kaming magbigay ng sumpa, sakit, at magpagaling ng karamdaman pero may limitasyon. Kapag malalim ang sugat o kaya malalang sakit ay wala nang epekto ang kapangyarihan namin kaya paumanhin." paliwanag niya kaya napailing ako at napaiyak na lang.

"L-Luigi... g-gumising ka." hagulgol ko.

Lumapit sa amin si Lewis at hinawakan ang pulso ng pinsan niya.

"Mabagal ang pulso niya kaya kailangan na nating magmadali. Dalhin natin siya sa ospital." sabi niya kaya napatango na lang ako habang umiiyak.

Gamit ang kapangyarihan ni Ilya ay pinalutang niya si Luigi sa ere para maingat na madala sa sasakyan ni Lewis, habang si Arweine ang umaalo sa akin upang kumalma. Binalak nilang isama si Roweine sa pagdala sa ospital dahil wala pa rin itong malay pero pinigilan sila ni Ilya. Pagsakay namin sa kotse ni Lewis ay hindi na sumama si Arweine dahil kailangan niyang  samahan si Roweine.

"L-Luigi, please. Gumising ka na." mahina kong sumamo at pinisil ang kamay niya.

"Don't worry, Jerrah. Malapit na tayo at na-inform ko na rin si Tita kaya papunta na rin sila sa ospital." sabi ni Lewis kaya nakahinga ako ng maluwag. "Kuya Luigi, kung naririnig mo ko, don't follow the light!" biro pa nito habang nakatingin sa salamin kaya tiningnan ko siya ng masama.

Ilang minuto lang ay nakarating agad kami sa ospital. Sinalubong kami ng mga nurse, ni Tita Anne at Tito Fred. Agad niyang tinanong kung ano ang nangyari sa anak niya pero pansin ko na parang titig na titig siya sa akin.

"It's a long story pero napaaway po si Luigi, basta tumama ang ulo niya sa matigas na bagay at mukhang masama rin ang bagsak niya." paliwanag ni Lewis dahil hindi ako makapagsalita kaiiyak.

Tumango si Tita at sumunod na kay Luigi sa E.R. habang naiwan kami sa labas kasama si Tito Fred. Nilapitan ako ni Lewis para pakalmahin, at pinaupo sa waiting area.

"Don't worry, he'll be fine." pang-aalo niya.

"I-I'm sorry... h-hindi ko naman s-sinasadya. H-hindi ko dapat siya iniwan." muli ay hindi ko na naman napigil ang luha ko.

"Jerrah, listen, wala kang kasalanan kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad." paliwanag niya kaya napailing ako.

"K-kasalanan ko... k-kung hindi ko siya iniwan, k-kung naging malakas lang ako para protektahan siya hindi mangyayari ito." pilit ko.

Natigil lang ako sa pag-iyak at napa-aray nang pitikin ako sa noo ni Lewis.

"Tumigil ka nga. Kapag nagising si Kuya Luigi at nakita ka niyang umiiyak ay siguradong ako ang pagbibintangan niya." sabi pa niya at ngumiti. "Wala kang kasalanan. Choice ni Luigi na puntahan ka sa compound and he's aware kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya. Let's just pray na maging okay siya kaysa umiyak ka diyan." sabi niya at inakbayan ako.

"P-pero paano kun— aray naman masakit!" daing ko nang muli niya akong pitikin.

"Ang kulit mo kasi. Think positive!" mariing niya at pinanlakihan ako ng mata.

Sinubukan kong kumalma pero hindi ko pa rin maiwasang matakot dahil sa mga negatibong ideya na pumapasok sa isip ko kaya naiiyak pa rin ako.

"Jerrah, Luigi will be fine, Annie would definitely do everything for her son." sabi ni Tito Fred saka lang ako kumalma.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon