UHS-42

321 13 0
                                    

Jerrah's PoV

“Ayos ka lang ba?” tanong ko kay Phil at hinaplos ang gilid ng labi niya, medyo namamaga iyon. “Sino ba talaga ang lalaki na iyon? Kaibigan mo ba talaga iyon? Bakit ka niya sinuntok?” sunod-sunod na tanong ko habang ginagamot siya. Nakibit-balikat lang siya at mas lumapit sa akin.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kanina. Namalayan ko na lang na nasa sasakyan na kami at binabagtas ang daan pauwi.

“You can use some incantation to me. It can help my wounds to heal faster.” sabi niya kaya natigil ako sa pagpapahid ng bulak na may gamot sa gilid ng labi niya.

“H-hindi ko alam kung paano.” sabi ko at pinagpatuloy ang panggagamot.

Nanatili ang tingin ko sa labi niya pero noong napansin ko na napangiti siya kaya muli kong iniangat ang tingin ko.

“This is actually my favorite incarnation since I notice that you're clumsy.” nakangiting sabi niya kaya napakunot-noo ako.

“Ano ba yan? Subukan ko para gumaling ka agad.” sabi ko kaya lalo siyang napangiti.

“hora estaro awela nesa laprin. Say that and then do this ” bulong niya at unti-unting lumapit sa akin hanggang sa lumapat ang labi niya sa labi ko.

Natulala ako, hindi ko alam pero pamilyar ito sa akin pero wala akong maramdaman na kahit na anong kakaiba. Matapos ang ilang segundo ay humiwalay na siya sa akin. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng hiya.

“K-kailangan ba talagang halikan kita?” nahihiyang tanong ko.

“Yup, I use that when my cousins attacked you. Your wounds healed in just two days.” kwento niya kaya napatango ako.

Minsan na niyang naikwento iyon sa akin. Kahit malabo ang mga alaala ko sa nakaraan ay hindi naman nagdadalawang-isip si Phil na sabihin sa akin ang mga gusto kong malaman pero pansin ko na hindi niya sinasagot ang tanong ko tungkol sa lalaking sumugod sa kanya kanina.

“So… Can get my kiss—I mean treatment. ” nakangiting sabi niya.

Napailing na lang ako pero sa bandang huli ay ginawa ko rin ang itinuro niya. Matapos noon ay tumulong na kami sa mama niya na maghanda ng hapunan.

***

Dumating ang hapunan at pansin ko ang pagiging tahimik ng mga nakakatanda. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may kinalaman ito sa akin.

“Base sa itsura mo ay totoo nga na sinugod ka na ng apo ni Alyana.” seryosong sabi ni Tito Ricardo.

“I didn't expect that he still remember her. Lewis don't remember her so I assume na gano'n din sa isa.” paliwanag ni Phil at bumaling sa akin.

“Hindi suot ni Lewis ang proteksyon niya noong binigay mo ang sumpa kaya hindi niya maalala.” napatingin ako sa nagsalita. Si Arwiene, hindi ako malapit sa kanya at lagi rin siyang wala kaya madalang ko siya makita at tuwing makikita ko naman siya ay kasama niya ang boyfriend niya.

“So? They really have those gems.” nasabi na lang ni Phil.

“What's your plan?” tanong ni Tita Mildred. Ang mama ni Phil.

“I don't need a plan. Let's not talk about this.” komento ni Phil at pinagpatuloy ang pagkain.

“Kung gising lang si Lola ay hindi niya papayagan ito.” natigilan ang lahat at napabaling kay Arweine.

“Anak, napag-usapan at napagkasunduan na ito ng pamilya habang wala pang malay si Mama.” sabi ni Tito Alfredo ang ama niya.

Tanging irap na lang ang naisagot ni Arweine at muling nagpatuloy ang lahat sa pagkain. Ipagpapatuloy ko na rin sana ang pagkain ngunit biglang bumaling si Arweine sa akin.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon