UHS-43

341 19 5
                                        

Kadiliman ang agad bumungad sa akin noong minulat ko ang aking mga mata. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero nakatali ito. Agad akong nilukuban ng takot noong maalala ang mga nangyari.

Pinakiramdaman ko ang paligid, may mga kaluskos akong naririnig.

“Gising na ata siya.” rinig kong sabi ng isang tinig.

“S-sino ang nandyan?” tanong ko pero walang sumagot.

Naramdaman ko na lang na may humahalpos sa ilalim ng hita ko. Sinubukan kong magpumigas pero doon ko napagtanto na pati ang paa ko ay nakagapos. Lalo akong nakaramdam ng takot noong maglakbay sa likod ko ang isa pang kamay.

“Huwag kang malikot kung hindi siguradong masasaktan ka.” bulong ng lalaki kaya natahimik ako.

Dahil sa matinding takot ay hindi ko maiwasang manginig at mapaluha.

“A-ano b-bang k-kailangan n'yo?” nanginginig na tanong ko.

“Relax ka lang wala kaming gagawing masama sa'yo.” bulong muli ng lalaki at naramdaman ko na lang nabinubuhat niya ako.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya hindi ko na napigil ang hikbi at hagulgol ko. Ilang sandali pa ay inilapag niya ako, pansin ko na malambot ang inuupuan ko para sofa.

“Oy, huwag kang umiyak at baka sapakin kami ng mokong na iyon.” sabi ng isa pang lalaki.

“A-ano bang kailangan n'yo. W-wala naman kayong mapapala sa akin!” humihikbing reklamo ko.

Hindi sila sumagot at ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng isang pinto.

“What the heck!? Mga siraulo! Bakit ninyo itinali at isinako?” rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

“Melvin, mangkukulam siya paano kung gamitan niya kami ng kapangyarihan?” para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng lalaki. A-alam nila?

“Gusto mo bang patayin tayo ni Luigi? Naka-inom pa naman ang loko.”  muling sabi ng pamilyar na boses.

“Ano yan?” rinig ko tanong ng isa pang pamilyar na boses at ilang sandali lang ay napagtanto ko kung kanino ang boses na iyon.

“Patay.” bulong ng isa at agad nilang inalis ang pagkakatali ng kamay at paa ko bago iniaalis ang sako na nakasuot sa akin.

Agad akong luminga sa paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang apat na lalaki at ang mas ikinagulat ko ay isa ang dean sa kanila.

“S-sir?” tanong ko pero bumaling siya doon sa isang lalaki. Tama ang hinala ko, ang isa sa mga lalaki ay iyong sumusunod sa akin noong nakakaraan. “A-ano pong ibig sabihin nito?” kunot-noong tanong ko at pinunasan ang luha ko.

Kahit nanginginig ay sinubukan kong tumayo pero dahil sa takot na naramdaman ko ay nanlalambot ako at napaupo akong muli sa sofa. Luminga ako at doon ko napansin na nasa office kami ng dean. Napatingin ako sa mga kasama noong walang sumagot sa tanong ko at doon ko napansin na nasa harap ko na iyong lalaki na sumusunod sa akin noong nakaraang linggo. Napausog ako sa aking kinauupuan noong haplusin niya ang pisngi ko. Agad akong kinilabutan sa simpleng haplos kaya napaiwas tingin ako sa kanya.

“A-ano bang kailangan ninyo?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot at hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako. Isama mo pa ang pangamba na naramdaman ko dahil alam nila na mangkukulam ako.

“Please, huwag kang matakot hindi kita sasaktan.” malumanay na sabi niya pero hindi ko magawang kumalma.

Hindi ko magawang magsalita o gumalaw palayo sa kanya. Muling nagbabadya ang luha ko at gusto kong isigaw ang pangalan ni Phil pero kahit gawin ko iyon ay alam kong hindi siya darating.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon