UHS-12

355 15 0
                                    

Jerrah's PoV

"Tita..." napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Luigi sa kusina. "Anak n'yo ba talaga si Jerrah?" napakunot noo ako dahil sa tanong niya.

"Oo naman." sagot ni Nanay na natatawa pa.

"I thought she's adopted. Her personality is way, way different from you and Tito Lito." sabi pa niya. Porque magkaiba ng ugali, ampon agad?

"Hindi naman talaga ganyan si Jerrah. Mabait ang anak ko, masunurin at masipag. Naging mainitin lang ang ulo niya." paliwanag ni Nanay.

"Really? Then bakit siya naging masungit at parang laging galit sa mundo?" tanong niya ulit.

"Siguro kasi wala kang ginawa kundi sirain ang araw ko." sabat ko at pumasok sa kusina. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Hindi na siya nagugulat sa biglaang paglitaw ko dahil nasanay na daw siya sa akin.

"Jerrah!" suway pa ni Nanay kaya tumahimik ako at umirap.

Ilang beses ko na rin siyang nahuli na nagtatanong kay Nanay o tatay ng tungkol sa akin. Hindi ko maiwasang magtaka, ano naman ang kailangan niyang malaman sa akin?

Tatlong linggo na kami dito at sa totoo lang hindi ko maintindihan ang ugali ni Luigi. May oras kasi na puro pang-aasar ang ginagawa niya at minsan ay parang sinasapian ng kung ano at biglang bumabait. Madalas niya akong bigyan ng pagkain at tulungan sa mga gawain kaya hindi ako nagiging komportable sa kanya. Hangga't maaari ay sinusubukan ko siyang iwasan pati na rin si Marian. Ayokong masyadong mapalapit sa kanila. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ayoko talaga at natatakot ako lalo na kay Luigi.

"Jerrah Sercado." napakurap ako at napatingin kay Luigi matapos niyang banggitin ang buong pangalan ko. Nakangisi siya kaya hindi maganda ang kutob ko. Luminga ako at nakitang wala si Nanay. "Ang sabi ni Raizon iyon ang pangalan ng babaeng kapangalan mo daw. Is it a coincidence na pati apelyido ay pareho kayo?" tanong niya.

"B-baka nagkataon lang." sabi ko at sinubukang umalis pero humarang siya.

"Ayaw mo talagang pinag-uusapan ang nakaraan mo." komento niya. Napabuntong hininga ako.

"Wala kang pakialam." sabi ko at tumalikod na para pumunta sa kwarto namin. Hindi na niya ako hinarang ulit kaya agad kong isinara ang pinto.

**

"Jerrah, bakit nagkukulong ka na naman dito?" tanong ni Nanay. Dalawang araw na akong laging nasa kwarto lang namin. Lalabas lang ako kapag kakain at sinisiguro kong wala si Marian o Luigi.

"Nay, bumalik na." sabi ko at pansin kong natigilan siya.

Kahapon habang nakahiga ako sa kama at nagbabasa ng libro na hiniram ko kay Ate Jema ay nakaramdam ako ng kakaiba sa aking sarili. Balak ko sanang ilipat ang pahina ng librong binabasa ko pero bago ko pa ito mahawakan ay kusa na itong lumipat. Ang akala ko ay dahil lang sa hangin pero noong binalak ko ulit ilipat ang pahina ay kusa na namang lumipat ang pahina. Para makasiguro ay nagbanggit ako ng orasyon at nakumpirma kong bumalik na ito noong gumana ang kapangyarihan ko.

"Anak, huwag mong gagamitin yan. Kahit anong mangyari paki-usap huwag mo nang gagamitin." pagsumamo ni Nanay kaya tumango ako.

Nakarinig kami ng mga katok sa pinto kaya sabay kaming napalingon noong bumukas iyon. Nakita ko si Luigi na mukhang kararating lang dahil suot pa ang uniporme niya.

"Tita, I need help. Bumisita mga kaibigan ko, make some merienda for us." nakangiting sabi niya dahilan para tumango si Nanay.

Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si Rai. Tumayo ako at pinigil si Nanay sa paglabas

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon