UHS-19

365 10 0
                                    

“Anong ginawa mo?” seryosong tanong niya kaya napairap ako.

“Wala.” mabilis na sagot ko at tumalikod pero mabilis siyang humarang sa dadaanan ko.

“Hindi ako naniniwala. I know may ginawa ka.” pilit niya kaya nagpamaywang ako.

“At ano naman ang gagawin ko?” mataray na tanong ko.

“Ginayuma mo siya.” natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko.

“Brian, tigilan mo nga si Jerrah.” suway ni Luigi kaya natawa ang mokong sa harap ko.

“I don't get it. The last time we check you kulang na lang magpakamatay ka. Ngayon kung umasta ka parang hindi ka iniwan ng pinakamamahal mong si Angela.” reklamo niya kaya napailing ako at umalis sa harap niya.

Totoo ang sinabi ni Brian. Kung umasta si Luigi ay parang walang nangyari, ilang araw na siyang hindi umiinom at lagi rin siyang tumutulong sa pagtuturo kay Marian, na hindi magandang ideya dahil lagi lang silang nagtatalo.

“Oo nga! Ano ginawa mo Jerrah? Kung hindi din dahil sa'yo hindi yan titigil sa pagwawala sa library.” segunda ni Jerume kaya tumigil ako sa paglalakad at humarap ulit sa kanila.

“Wala akong ginawa. Siguro natakot lang siya sa itsura ko kaya tumigil.” sabi ko at umirap bago umalis sa sala.

Pumunta ako sa kusina para kunin ang libro na iniwan ko kanina para tumulong sa pag-aasikaso sa mga buwisita. Bago ko pa madampot ang libro tinago ko sa pinakasulok ay may ibang kumuha noon. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kumuha, bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Ano ba ang librong 'to?” tanong ni Luigi.

Bago pa niya mabuksan ang libro ay hinablot ko iyon at tiningnan siya ng masama.

“Huwag mong pakialam 'to!” mariing kong sabi dahilan para mapakunot-noo siya.

“Problema mo? That's just an old book.” sabi niya. Hindi ako sumagot at tinalikuran siya.

Lumipas ang hapon na iyon na binabasa ko lang ang libro. Nasa kalahati na ako at wala pa rin ako nakikitang orasyon o kung ano para makatulong na makontrol ko ang kapangyarihan ko.

Isinarado ko iyon at tiningnan ang kristal na purong itim. Noong ibinigay ito sa akin ay kulay puti ito, pero bakit naging itim?

“Jerrah, tawag ka ni Tita.” napalingon ako kay Luigi at napansin kong nakatingin siya sa libro kaya napahigpit ang hawak ko doon.

Tumayo ako at nagmamadaling pumasok sa loob. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay dapat kong ilayo kay Luigi ang libro. Hindi ko maintindihan pero iba ang kutob ko.

**

“Ano ba iyong libro na hawak mo?”

“Bakit ba ayaw mong ipakita?”

“Ang damot mo! Patingin lang kasi!”

“Hindi ko naman sisirain kaya pahiram.”

Napatakip ako ng tainga dahil ang ingay niya. Simula kahapon ay kinukulit niya ako.

“Wala lang iyon!” sabi ko pero hindi niya iyon pinapaniwalaan.

“Bakit kasi ayaw mong ipakita?” tanong niya.

Napailing ako. Bumalik na nga siya sa normal pero bakit ako ang kinukulit niya?

“Hindi pwede kasi…” natigilan ako dahil wala akong maisip naidadahilan.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon