UHS-11

345 15 0
                                    


“Ayokong sumama!” pagpupumiglas ko habang dinadala nila ako sa garahe.

“Saglit lang tayo, ate.” sabi ni Marian at binuksan ang pinto ng kotse sa backseat.

“Ikaw magdrive.” utos ni Luigi sa kapatid at ibinato ang susi na agad sinapo ni Marian. Nanlaki ang mga mata ko.

“Oy! Marunong ba siya? Kung gusto n'yo magpakamatay huwag n'yo ko isali!” sigaw ko habang papasok ng kotse si Luigi. Ayaw niya pa rin ang kong bitawan.

“Ouch! Grabe ka sa akin. I know how to drive, ate. In fact hinihintay ko na lang na mag-eighteen ako para makakuha ng lisence.” pagmamalaki niya pa at pumunta na sa driver seat.

“Sixteen ka pa lang!” maang ko pagpasok niya sa sasakyan.

“I know! Two years na lang naman. Believe me, mas safe ka kapag ako nagdrive. Matakot ka diyan sa katabi mo.” sabi niya at kumindat bago pinaandar ang makina ng sasakyan.

Pagkalabas ng kotse sa gate ay binitawan na ako ni Luigi. Tumahimik na ako dahil wala na akong magagawa. Maliban na lang kung tatalon ako habang umaandar ang sasakyan, pero dahil mahal ko ang buhay ko at kagagaling lang ng mga sugat ko ay hindi ko gagawin iyon.

“Ate, ipapakilala ka lang namin sa mga friends namin. Don't worry mabait sila. Napansin lang kasi namin ni Kuya na hindi ka lumalabas ng bahay kaya naisip naming isama ka.” paliwanag ni Marian kaya napabuntong hininga ako.

“Hindi n'yo kailangang gawin 'to. Ayos na ko kapag nasa bahay lang.” sabi ko.

“Natatakot ka 'di ba?” napatingin ako kay Luigi na parang seryoso. Hindi ako sumagot dahil parang may mali sa pagiging seryoso niya. “Don't… sila kasi ang matatakot sa'yo.” tiningnan ko siya ng masama dahil gumuhit ang ngisi niya. Kung nagagamit ko lang ang kapangyarihan ko, siguradong kinukulam ko na siya.

“Kuya, don't be such a bully kay Ate. Creepy na nga ang itsura inaapi mo pa.” hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya.

“Saan n'yo ba ko dadalhin?” tanong ko at tumingin sa labas. Ngayon lang ako ulit lumabas kaya namamangha pa ako sa mga matataas na gusali na nakikita ko. Hindi sila sumagot kaya tumingin ako sa magkapatid.

Abala si Marian sa pagmamaneho habang si Luigi naman ay nakatingin lang sa akin.

“As I can see, gusto mo ang mga nakikita mo sa labas pero bakit ikinukulong mo ang sarili mo sa bahay?” tanong niya kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Hindi na ulit ako tumingin sa kanya at hindi na rin niya ako kinulit. Naging tahimik ang biyahe dahil hindi na nagsalita si Marian simula nang magmaneho siya.

“Nandito na tayo!” wika niya at inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gusali.

Bumaba ako at tinanaw ang tuktok ng gusali. Halos hindi ko mabilang kung ilang palapag ito.

“Now, pag-usapan muna natin ito bago tayo umakyat.” sabi ni Luigi dahilan  para mapatingin ako sa kanya. Bigla akong kibahan dahil sa mala-demonyong ngiti niya.

**

“Ayoko! Uuwi na ko!” sabi ko at akmang aalis pero pinigilan nila ako. Malakas talaga ang tama ng magkapatid na ito.

“Ate, please pumayag ka na.” pakiusap ni Marian.

“Akala ko ba gusto ninyo kong magkaroon ng kaibigan?” tanong ko, sabay silang tumango kaya napailing ako.

Hindi ko sila maintindihan. Gusto nilang takutin ko muna ang mga kaibigan nila bago ako makipagkaibigan. Ganito ba talaga ang mga taga-siyudad? Malakas ang trip sa buhay?

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon