"What the heck?" gulat na sabi ko at natulala.
"Meow..."
Natauhan ako mula sa pagkakatuliro at napalingon sa paligid. Pilit kong hinanap ang taong inaasahan kong makita pero wala siya.
'The hell? Am I drunk?'
Ibinalik ko ang tingin sa itim na pusa na nakatingin lang sa akin. I felt weird habang nakatingin ang pusa, but instead of ignoring it ay nilapitan ko. This is the first time I saw a stray cat in this village.
"Hey, kitty kitty." bati ko, akmang tatakbo ang pusa kaya agad ko iyong hinuli. Nagpupumiglas pa ito pero noong hinaplos ko ang batok nito ay agad na kumalma.
"Meow..."
"Are you lost?" tanong ko pero agad na napailing dahil hindi naman sasagot ito.
I decided na dalhin na lang siya sa loob ng bahay. Sinubukan ko siyang pakainin sa kusina pero tiningnan niya lang ako. I like the eyes of this cat, it reminds me of Jerrahs' eyes.
Ilang beses sinubukang tumakas ng pusa pero buti na lang at naabutan ko. Dinala ko siya sa kwarto ko at agad na nagpunta sa isang drawer para kunin ang isang bracelet.
"Dahil mukhang wala namang nag-aalaga sa'yo akin ka na lang." sabi ko at isinuot ang bracelet sa leeg nito.
Nang makaramdam ako ng antok ay agad akong hinanap ang maliit na basket na pinaglalagyan ng ibang damit ko. Inalis ko ang laman at pinalitan ng tuwalya bago inilagay ang pusa.
Paghiga ko sa kama ay bigla kong naalala ang mga nangyari kanina. I'm sure na si Jerrah ang narinig ko pero bakit wala siya?
I just shrugged and closed my eyes. I kinda felt tired, and wala akong ibang narinig ngayong araw kundi puro tungkol kay Jerrah.
***
"Psst... psst... kitty?" tawag ko pero hindi ko talaga siya makita sa kwarto.
Nakita ko ang bracelet na nilagay ko sa leeg ng pusa pero may stain ng dugo, at mukhang sapilitang inalis dahil napigtas ito. I doubt, kung kayang sirain ng pusa ang silver chain na bracelet.
Bumaba na ako, nagbabakasakaling makita ko ang pusa sa kusina pero nagulat ako noong si Jerrah ang makita ko. Mabilis ko siyang nilapitan at hinigit upang maiharap siya sa akin.
"Woah! You're back!" bati ko at narinig ko pa ang napasinghap siya.
Mabilis niyang inalis ang kamay ko sa magkabilang balikat niya, para siyang napaso at mabilis na lumayo akin.
"You okay?" tanong ko, mabilis siyang tumango at umiwas ng tingin.
"N-nagulat lang ako." sagot niya. I don't know why but kinda missed her, kahit ilang araw lang siyang hindi lumabas ng kwarto nila.
"By the way, have you seen a black cat?" tanong ko at luminga sa paligid. Tiningnan ko rin ang ilalim ng mesa at mga bangko, pero wala din.
"W-wala." sagot niya.
"Maybe, bumalik na sa may-ari." sabi ko at bumaling kay Jerrah na mabilis na umiwas ng tingin noong tumingin ako sa kanya. "Gutom na ko, tara kain tayo." aya ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit sa ref at naghanda ng lulutuin.
Pinanood ko lang siya sa paghihiwa pero hindi nagtagal ay napansin kong may namumula sa leeg niya kaya agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Hinawi ko ang buhok niya para makita ang nasa leeg niya. Mabilis siyang lumayo sa akin kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilin.

BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...