Jacob's POV (daddy)
"COME ON GIRLS! COME ON BOYS!! CRAYON! CRAYON! WHY SO SERIOUS! " malakas na pagkanta ng anak kong si Vee . Sya lang maingay sa van pero ok lang sa akin basta mga anak ko ang kakanta walang problema.
Sa totoo lang ang ganda ng boses ng mga anak ko pwere biro. As in lahat sila. Naalala ko pa nga nun nung mga baby pa sila kinukuha silang model pero ayoko . Sayang nga daw dahil ang cute daw ng mga anak ko. Tapos nung nag high school na sila ang daming may gustong magmodel or maging singer daw ang mga anak ko pero ayoko pa din kasi gusto ko naka focus lang sila sa pag aaral nila. Kahit hanggang ngayon may gustong kumuha sa mga anak ko bilang singer sabi pa nga sa akin sisikat daw agad ang mga anak ko dahil mga good looking toh. Well tama naman sya basta anak ko pogi lahat yan pero syempre ayoko pa din .
Sa school nila pansinin sila dahil nga pogi. Lahat sila nasa iisang university lang at may group silang binuo ewan ko kung anong pangalan . Ayos na ako sa ganun lang kahit papaano gusto kong magkaroon ng privacy ang mga anak ko.
"Dad may nag email po sa akin. Ini'invite daw kami sa company nila para maging singer." Paliwanag ni Rappy.
"Focus lang muna kayo anak sa pag aaral . Yun lang naman ang gusto ko eh after nun gawin nyo na gusto nyong gawin. Mag artista kayo, mag singer kayo kahit pag porn star kayo ok lang basta ang akin lang tapos kayo sa pag aaral." Mahabang lintanya ko sa kanila.
"Dad bakit may porn star pang kasama?" Tanong naman ni chimin.
"Biro lang anak. What I mean is after graduation malaya na kayo."
"Pano yun dad mas mauunang sumikat sila Kuya Seigy kasi mas gurang sila." Sabat naman ni Jk
"Eh ganun talaga anak."
"Wait daddy!!!" Napahinto kami sa pagkukwentuhan ng sumigaw si chimin at binuksan nya ang bintana sa bubong ng van at saka tumayo at sumilip .
"Hoy umupo ka nga!!" Sigaw ni Hope sa kanya."Kuya Hope look! Diba ex girlfriend yun ni Vee." Sigaw nya .
"I dont care! Umupo ka na!" Sigaw ulit ni Hope.
"Anak umupo ka na" saway ko kay chimin na agad namang sinunod.
"Nakita mo ba vee?" Lumingon si Vee kay Chimin at sinamaan nya ng tingin ito . Binuksan nya ang bintana ng kotse para tignan yung sinasabi ni Chimin .