Vee's POV
Naging masaya naman kami nila mommy kahit wala si Kuya Hope. Nasabi na din nila Daddy na Summa Cum Laude si Kuya Jin . As I expected naiyak si Mommy. Pinagtatawanan nga sya ni Daddy dahil ang panget daw ni mommy umiyak.
"Jacob, Claire uwi na ako. Nagtxt si Chenry inaatake na naman daw ng Hika si Xerym." Paalam ni Uncle Jacob. Kawawa naman yun si Xerym. Pero di ko sya close ang tahimik kasi masyado.
"Oh sige Carlo, Salamat sa pagpunta." Sabi naman ni Mommy.
"Walang anuman yun." Sagot ni Uncle.
"Hoy magpasalamat ka naman sa amin nakikain ka dito eh" sabat ni Dad. Minsan napapaisip ako . Gaano kaya kasaya at kakulit sila Daddy at Uncle. Kasi sabi ni Mommy mag bestfriend daw yan, minsan nga daw mag susuntukan tapos maya maya tatawa .
"Oh edi salamat . Oh sige na alis na ako." Hinatid na ni Daddy si Uncle sa gate namin . Si mommy naman nagsimula ng magligpit.
"Guys ligpitin nyo na yung xbox at matulog na kayo. Diba may propgram pa kayo?" Paalala ni mommy.
"Ay oo nga pala!" Sabi ni Kuya chimin at saka kumaripas ng takbo papuntang kwarto nya. Wais din ang unggoy na yun ah. Tamad talaga maglinis. Si Jk din nakita ko kakasara lang ng pinto ng kwarto nya. Tsk napakatamad talaga nila.
"Ma, tulungan ko na po kayo." Sabi ni Kuya Seigy. Tumulong din si kuya Jin at Kuya Rappy sa Pagliligpit. Ako? Aakyat nalang din . Kaya na nila yan .
Pag pasok ko sa kwarto ko ay dumeretso na ako sa CR para maligo na.
Aftet 20 mins na pag aayos nahiga na ako sa kama ko. Tumingin lang ako sa kisame ko. Nakita ko lahat ng picture ni Trixie. Tumayo ako at saka pinagtatanggal lahat ng nakadikit na yun. Tska ko tinapon sa basurahan .
Pagkahiga ko ng kama napatingin ako sa study table ko at nakita ko dun yung mga picture ulit nya . Kaya agad akong tumayo at pinagtatanggal lahat ng yun . Nilibot ko ang paningin ko at sa wakas wala ng picture ni Trixie. Pagbalik ko sa kama ko hihiga palang ako nakita ko si mommy na nakatayo sa may pinto at nakatingin lang sa akin .
"Ayos ka na ba anak?" Tanong nya. Lumapit sya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko . Sumandal naman ako sa headrest ng kama ko para magkaharap kami ni mommy.
"Sa outer part Im fully recoverd" sabi ko .
"How about the inner?"
"Durog na durog po" nagbabadya na namang tumulo ang luha ko. Pag si mommy kaharap ko nararamdaman ko kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman .
"Anak alam kong mahirap pero kailangan mo na syang i let go."
"I know Mom. Pero ang hirap ."
Hinawakan ni mommy ang kamay ko .
"Alam mo ba anak dati naranasan ko na din yan. Nagmahal ako ng sobra pero bandang huli sinaktan lang din nya ako. Nasaktan ako ng sobra sobra nun anak . Dumating sa punto na gusto ko nalang maglaho sa mundo para matakasan lang ang sakit.-" hindi natapos ni mommy ang sasabihin nya ng magsalita si Daddy.
"At dumating ako sa buhay ng mommy mo anak. Hinilom ko lahat ng sugat sa puso ng Mommy mo kaya sya naging masaya. Katulad mo anak may sugat ang puso mo kaya mag pacheck up ka na" dagdag ni Dad.
"Jacob!" Babala ni mommy.
"Sorry naman pinapagaan ko lang loob ng anak mo. What I mean is he need someone who can heal the wounds in his heart." Umupo sa kabilang gilid ng kama ko si Dad
"Anak hindi madaling makalimot pero mas madaling maging masaya." Payo ni dad. "Love can hurt you but look son , when you see it , its either you run from it or you learn from it. Much better if you learn from it dahil pag natututo at dumating ulit sa buhay mo ang parehas na problema alam mo na ang gagawin mo at handa ka na." Dagdag ni dad.
Sunod sunod na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang wag tumulo.
"Nakita ko si Trixie sa Mall kanina mukhang masaya sya but look at you son you like a lost boy" sabi naman ni mommy. Naiyak ako lalo. Naaawa ako sa sarili ko .
Pinunasan ni Dad ang luha sa pisngi ko.
"Chin up son, dont let people hurt you. Dont cry for someone who is not crying about you." Dagdag ni dad. Tama si Dad hindi ko na dapat sya iyakan pa.
"Start for a new chapter anak . Wag kang manatili sa isang chapter lang may mas magaganda pang chapter na susunod." Sabi naman ni mommy. Tumango lang ako sa kanilang dalawa. Napaka swerte ko dahil may magulang akong tulad nila.
"Always remember me ang your Dad is always here for you . Ok?"
"Thanks Mom, Thanks Dad." Sagot ko .
Humiga na ako sa kama ko. Tumayo na sila Dad at mommy at tuluyan na silang lumabas.
"After this day I will start for a New chapter. "
Zzzzzzzzzzzz
Third person's POv
Nakatulog na ng tuluyan si Vee ganun din ang mga kapatid nya maliban nga lang kay Hope na hanggang ngayon hindi pa din umuuwi.
Si Hope ay nasa pulis station para magsampa ng kaso para sa mga nanggulo sa bar nya at inasikaso din nya ang mga gastusin sa hospital ng mga nasaktan na trabahador nya.
"Pre, di mo na kami kailangan ipagamot pa" sabi ni Jovel kay Hope .
"Pre kailangan nyo yun. Trabahador ko kayo kaya responsibilidad ko kayong lahat." Paliwanag nya pa.
Hindi na naka angal pa si Jovel . Habang busy sa pag aasikaso si Hope ang magulang naman nito ay hindi pa din makatulog dahil inaantay pa nila si Hope.
"Nasan na ba yang batang yan! Sabi ko sa kanya before 12 dapat nakauwi na sya eh anong oras na! 1 am na !" Sigaw ni claire.
"Calm down honey baka magising ang mga bata." Mahinahong sabi ni Jacob.
"Nag aalala lang naman kasi ako." Huminahon si Claire dahil inakbayan sya ni Jacob.
"Mom nasa kwarto na po si Hope. Sa likod po sya dumaan. Matulog na po kayo." Biglang sabi ni Seigy. Ang totoo nyan hindi pa talaga nakakauwi ang kapatid nya. Pinagtatakpan lang nya ang mga kasalanan nito.
"Eh bakit hindi man lang nagpakita dito! Kanina pa kami nag aantay! Teka nga nasan ba yan?!" Inis na sabi ni Claire.
Paakyat na si Claire pero humarang si Seigy sa dadaanan ng mommy nya.
"Mom tulog na po sya. Bukas nyo nalang po kausapin . Maaga pa po kami bukas kailangan na po naming matulog." Palusot ni Seigy.
"Tama ang anak mo honey may bukas pa naman" pag sang ayon ni Jacob .
"Ok fine! Humanda lang sa akin yang batang yan." Inis na sabi ni claire.
Umakyat na sila tatlo. Humarang pa si Seigy sa kwarto ng kapatid na si Hope para hindi maisipang silipin ng mommy nya ang kwarto nito.
Pag pasok ng mag asawa ay pumasok naman si Seigy sa kwarto ni Hope at nahiga dun. Nagtalukbong sya ng kumot para in case na silipin ng mommy nya ang kwarto ni Hope mapagkakamalan nyang nakauwi na ang anak. Inayos naman ni Chimin ang kwarto nila Seigy, Jin, Rappy, Jk. Nilagyan nya ng unan ang mga kama nito at tinalukbunan ng kumot para kunwari sila ang nakahiga. Si Jk naman nasa Likod ng bahay at inaantay ang Kuya nyang si Hope. Si Jin at Rappy naman nasa gate at inaantay ang dating ng kapatid. Si vee naman ay mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto .
Ganyan ang magkakapatid . Kapit bisig. One for all , all for one.