Seigy's POV
Nasa Room ako ngayon. Bored as usual. Nakakatamad naman talaga pag alam mo na yung tinuturo ng prof mo pero tinuturo ulit. Ano bang trip nyan?
Biglang nag vibrate ng sunod sunod ang phone ko kaya agad ko itong tinignan.
Sms from: Jk
Si chimin daw nasapak ni Jazz.Sms from: Hope
Kuya boring txt tayo.Sms from: Rappy
Kuya si Hope na detention na naman.Sms from: Vee
Nagugutom na ako........Napasapo nalang ako sa noo ko . Napakalaki ng mga problema ng mga to lalo na si Vee .
Nireplayan ko si Jk dahil mas may sense yung txt nya.
Sms to: Jk
Bakit daw?Sms from: Jk
Binully daw kasi si Jack pinagtangol lang daw sabi ng kaklase ko.Sms to: Jk
Nasan na sya? Nako lagot yan kay mommy.Sms from: Jk
Oo nga kuya eh yari yan talaga. Nasa clinic sya.Sms to:Jk
Ah sige pupuntahan ko nalang.Binulsa ko na yung cellphone ko at saka tumayo.
"Yes Mr. Monteverde?" Puna ng prof kong boring.
"Sir, excuse lang po sana ako. Pupuntahan ko lang yung kapatid ko sa clinic mamamatay na ata."
"Ok sige you may go." Sabi nya kaya agad akong lumabas ng room baka magbago pa ang isip ni tanda.
Habang naglalakad ako sa hallway ang daming girls na nag he'hello sa akin kaya nginingitian ko sila. Hindi naman ako snobero.
Napatingin ako sa may kanan ko at nakita ko si Vee na parang wala sa sarili kaya sinundan ko.
Pumunta sa sya isang tagong lugar. Sa hallway kung saan walang dumadaan at kinakatakutan ng lahat dahil daw may multo?.
Umupo sya dun at saka nag hood. Parang umiiyak ang kapatid ko kaya nalungkot ako para sa kanya. Siguro dahil na nama to kay Trixie the bitch . Malaki ang naging damage ni Vee dahil sa panloloko sa kanya ng bitch na yun .
Napatingin sya sa akin kaya nagulat ako . Kitang kita ko sa mukha nya ang lungkot at sakit.
Agad akong lumapit sa kanya."Hey... what happen? Tell me." Sabi ko. Pinunasan ko naman yung mga luhang sunod sunod na tumutulo sa mata nya.
"I tried kuya ..... Im willing to forget all the thing shit para lang bumalik sya but she only said that she never love me after all. Sinagot lang daw nya ako to play with me not to love me."