Hope's POV
Boring naman... si Vee at Kuya Jin nag lalaro ng Chess. Si Jk naman gumagawa ng book report nya. Si kuya Seigy naman kasama ni Daddy ewan ko kung saan pumunta. Si mommy naman umuwi para magprepare ng pagkain . Sabi nga ni Kuya Jin na mag paorder nalang pero mapilit si mommy gusto daw nya luto nya ang kakainin namin . Si Rappy naman nakabusangot na naman ang mukha. Ring kasi ng ring yung phone nya, malamang si Rain ang tumatawag. Nakakaawa nga yun si Rain kasi lagi syang kinakawawa ni Rappy, pinagtatabuyan, sinisigawan pero ok lang sya kanya. Mahal nya talaga ang kapatid ko. Ang malas nya at ang swerte naman ni Rappy. Kung ako si Rappy hindi ko na papakawalan yan baka sa susunod mag sawa nalang si Rain sa kanya sya din ang kawawa kasi ang loyal ni Rain sa kanya compare dun sa mga kalandian nya.
Napatingin ako sa may pinto nang bigla itong bumukas.
"Oh Rain napadalaw ka." Sabi ko. Pero hindi nya ako tinignan. Masama lang ang tingin nya kay Rappy.
Hahahah yari ka balbon.
Lumapit sya kay Rappy at bigla nyang binagsak ang wallet nya sa harap ni Rappy.
Magandang palabas toh. Nakita ko sila Vee na nakatingin na din sa kanila.
"Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?!" Galit na sabi ni Rain.
"Bakit nagtanong ba sya?" Sarkastiko at walang ganang sagot ni Rappy. Gago talaga eh.
"Nevermind. Kumain ka na ba?"
Hanep din tong si Rain lakas maka moodswing. Galit kanina tapos may care na sya ngayon.
"Oo" tipid na sagot ni Rappy.
"Kahit niluluto pa lang ang kakainin mo?" Sabat ko. Sinamaan ako ng tingin ni Rappy kaya natawa ako.
"Aalis nga pala ako. May date kami ni Lovely" pagpapaalam ni Rappy. Hindi naman si Lovely yun lovel pangalan nun. Kablockmate ko kasi yun.
Pagkaalis ni Rappy tumingin ako kay Rain nakita kong nakatingin sya sa pinto at malungkot ang mukha nya.
"Alam mo dapat sukuan mo nalang yang kapatid ko." Biglang sabi ni Kuya Jin .
"Kaya nga. Masasaktan ka lang sa kanya pag nagstay ka pa" pagsang ayon ni Vee.
"Much better kung ituon mo nalang yung pansin mo sa iba wag na kay Rappy. Nasasaktan ka na eh" sabi ko naman .
"Ganun na ba ako katanga sa kanya? Na pati kayo napapansin nyo na?"
"Ang masokista mo na nga eh" sabi naman ni Vee.
"Ay oo nga pala may pupuntahan pa ako. Bye bye " paalam nya.
Dali dali syang lumabas. Nagkatinginan lang kami nila Vee tapos napailing kami ng sabay sabay.
"Mo-mommy..."
Gulat kaming napatingin kay Chimin nang marinig namin ang boses nya.
"Chimin!" Sigaw ni Kuya Jin.
"Tawagin nyo yung doktor sabihin nyo gising na si Chimin." Utos nya pa.
Dali daling tumakbo si vee palabas para tumawag ng doktor.
"Chimin... chimin ano na nararamdaman mo?" Tanong ni kuya Jin.
"T-tubig."
Dali dali akong kumuha ng tubig at agad na binigay kay Chimin. Inalalayan ko syang hawakan ang baso para makainum sya ng maayos.
"Excuse me" sabi ng doktor. Agad kaming tumabi sa gilid.
Habang chinecheck-up ng doktor si Chimin. Si Kuya Jin may kausap na sa Phone . Im sure sila mommy yung kausap nya.
Si Jk naman nanonood sa ginagawa ng doktor.
"Good news at nagising na sya. Normal na din ang blood pressure nya. As of now kailangan parin nyang mag undergo ng isa pang test para masiguro natin na ok na sya. Maybe the day after tomorrow makakauwi na sya sa inyo." Paliwanag ng doktor.
"Thank you po dok" pasasalamat ko.
Pagkalabas ng doktor agad kaming lumapit kay chimin.
"Akala ko matutulog ka na habang buhay eh." Sabi ni Kuya Jin .
"Hahaha alam mo bang ang tahimik ng pamilya natin? Nakakarelax." Sabi ko. Bigla akong bintukan ni kuya Jin.
"Kuya sorry ah. Dahil sa akin kaya ka na hospital." Sabi naman ni Jk.
Nakatingin lang sya sa amin. Hindi sya sumasagot o nagreresponse sa amin.
"Sino kayo?" Sabi nya. Binatukan naman sya ni kuya Jin .
"Wag kang OA hindi bagay sayo."
"Akala ko ba naman mapapaniwala ko kayo." Natatawang sabi nya.
"ANAK!"
Napatingin kami kay mommy na nasa pintuan.
Bigla nya kaming hinawi para makaakap kay chimin .
Nasubsob ako kay Jk tapos tinulak naman ako. Ang saya !
"Anak ano nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? May gusto ka bang kainin? May masakit ba sayo? Nakikilala mo ba ako? Sila nakikilala mo ba?" Sunod sunod na tanong ni Mommy . Hanep!
"Mom easy lang po. Ok na ako. You dont need to worry." Sagot ni Chimin .
"Ang oa mo Honey...." sabat naman ni Dad..
Nagtawanan kaming lahat kasama si Chimin.
Thank God at maayos na ang kapatid ko. Iingay na naman kami.