Big bike

19 0 0
                                    


   Pagdating ko sa bar marami na akong nakitang tao sa loob kahit 6 pm palang.


"Pare buti dumating ka na. Nakakastress yung tatay ni Lovely. " bungad ni Jovel sa akin.

Umupo ako sa tapat nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Umupo ako sa tapat nya. Tinanaw ko yung tinuturo ni Jovel. Siguro sya yung tatay ni lovely.

"Anong nangyari? Bakit sya nandito?" Tanong ko habang nakatingin pa din dun sa lalakeng inum ng inum.

"I do not know. Basta nalang syang sumigaw dyan. I just found out na tatay pala ni Lovely yun. Halata nga kay lovely yung takot. So far she's still inside. I tried to talk to her but she didn't want to open the door kaya hinayaan ko nalang."

Hindi na ako nakasagot kasi nakita kong lumabas na si Lovely na nakayuko. Sinalubong sya nung tatay nya. Sa common na palabas diba yayakapin nung tatay yung anak pero kila Lovely iba.

Dinutdot nung tatay nya yung noo nya. Walang nagawa si Lovely kundi ang tanggapin yun. Hinawakan nung tatay nya yung braso nya tska sya kinapkapan. Hindi na ako nakatiis pa kaya napatayo na ako.

Agad akong pinigilan ni Jovel.

"No pare. Hayaan natin sila." Sabi nya 

"Pero nasa bar ko sila" Sagot ko.

Tinanggal ko yung pagkakahawak ni Jovel sa braso ko.

Paglapit ko kila Lovely rinig na rinig ko na ang pagtatalo nila.

"Papa naman pambili ng gamot yan ni Jake." Naiiyak na sabi ni Lovely.

"Ohws talaga? Eh ano kung pambili ng gamot? Eh hindi ko naman anak yung punyetang yun kaya pabayaan mo sya." Sagot ng tatay nya.

Tangna nakakakulo ng dugo ang isang to. Bwisit. Amoy na amoy pa ang alak sa katawan ng gagong to.

"Dito ba to uminom?" Tanong ko kay Jovel

"Oo eh"

Tuluyan na akong nakalapit kila lovely kaya napansin na nya ako.

"Sir excuse me lang po. Narinig nyo naman po si Lovely diba? Para sa gamot ng bata yang hawak nyong pera." Sumabat na ako sa kanila.

"Oh sino naman to?" Halata sa boses nya ang inis. Pwes ako mas naiinis sa kanya.

"Sir ako nalang po bahala" iyak lang nang iyak si Lovely.

"Ok fine. Lovely hayaan mo na sa kanya yung pera. It just a money kikitain mo pa naman yan." Sabi ko kay lovely.

"Jovel paki abot ng bill ni Mr. Customer." Utos ko kay Jovel na agad nyang inabot sa akin. Pansin ko na din ang mga taong nakikichismis sa eksena namin.

"Your bill Sir is 6,374 pesos." Sabi ko. Hindi ko pinuputol ang titig ko sa gagong to.

"Puta! Ano yung mga alak mo ginto?!" Sigaw nya.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon