Grandma's POV
Napaka gulo ng mga apo ko. May love life pa kasing nalalaman ayan tuloy nagsisiiyakan .Naalala ko tuloy yung kanina.
Flashback.
"Grandma!!! Si Vee tska si Xerym nagsusuntukan!!" Sigaw ni Chimin.
Nag takbuhan paakyat ang mga apo ko. Ako naman napahinto dahil may nagdoorbell.
Tumingin ako sa itaas at sa tingin ko inaawat na nila Jin ang dalawa.
Pag punta ko sa gate nakita ko si Steffie.
"Oh ihja napadalaw ka."
"Ahm g-grandma nandito daw po si Xerym? Pinuntahan ko po kasi sya sa kanila sabi po ng mommy nya nandito daw po."
"Oo bakit?"
"Ahm gusto ko po sana syang makausap"
"Nagkakagulo pa sa taas pero naawat na yun nila Jin."
"Po?! Sino po?"
"Si Xerym at Vee. Teka lang . . Diba hiwalay na kayo? Bakit mo pa sya kakausapin?
Biglang lumungkot ang mukha nya.
"Ahm kasi po-"
"Dun nalang tayo sa loob"
Papasok na sana ako kaso pinigilan nya ako.
"Grandma gusto ko po sana si Xerym lang ang makakita sa akin na nandito ako."
"Bakit" tanong ko.
"Si vee po kasi-"
"Get it. Tara na dun ka nalang dumaan sa likod tapos hintayin mo ako dun"
Tumango sya sa akin at saka pumunta sa likod ng bahay ko.
Pumunta naman ako sa taas para silipin ang mga apo ko.
"Wow finally nakapagsalita ka ng mahaba! Congratulation pinsan! Gratuate ka na sa pagiging pipe mo pero hindi pa din magbabago ng kadaldalan mo ang pagiging manloloko mo!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Vee.Mukhang matagal pa toh.
Bumaba ako at nakita ko si Steffie na nakaupo sa sofa.
"Steffie! Bakit ka nandyan? Makikita ka nila dyan. Akala ko ba ayaw mong makita ka nila? Dun ka muna sa kwarto ko."
"Sorry po."
Naglakad na sya papuntang kwarto ko katabi lang ng kwarto kung saan magkakagulo ang mga apo ko.
Habang nagkakagulo pa sila nag ayos na ako ng makakain ni Steffie. Mabait yang batang yan . Gusto ko yan para sa apo kong si Xerym kaya ang gusto ko kay Xerym lang si Steffie.
Pag tapos ko maghanda ng makakain ay pumunta na ako sa kwarto ko. Nakita ko si Steffie na nakaupo at parang may hinahanap.
"Bakit? May nawawala ba?" Tanong ko.
"Grandma naiwan ko po ata sa sofa yung bag ko"
"Sige ako na ang kukuha."