Tatlong oras na ako dito sa kwarto ko pero wala pa akong nagagawang project.
Ewan ko ba. Basta hindi ako makapag focus ng maayos. Siguro nagugutom lang ako.
Tsk nandyan kasi si Rain. Ayokong makita ko yung babaeng yun baka mawalan pa ako ng ganang kumain.
Nag ikot ikot nalang ako dito sa kwarto ko. Gusto kong maglinis ng kwarto ko pero wala namang lilinisin. Kung kasing dumi ng kwarto ko ang kwarto ni Chimin baka kanina pa ako nagsisimula baka nga hindi ko pa matapos eh.
Lumipas na ang isang oras lalong tumitindi ang gutom ko.
Hindi ko na natiis pa kaya bumaba na ako.
Pagbaba ko ang tahimik na.
baka umuwi na si Rain. Good thing.
"Parang gusto ko ng-"
Nahinto ang pagsasalita ko nang makarinig ako ng ingay sa may kusina.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Rain na pilit tumatayo at inaabot ang tubig. Pawis na pawis sya at putlang putla.
Dali dali akong lumapit sa kanya.
"Ok ka lang? Uyy" tinapik tapik ko ang pisngi nya. Halata sa mukha nya na nahihirapan syang huminga.
"Tubig ba? Wait wait lang" agad kong kinuha yung tubig na inaabot nya kanina. Pulang pula na ang mukha nya. Mabibigat na paghinga ang ginagawa nya.
Lalo akong nakaramdam ng kaba ng hawakan nya ang leeg ko at don sya kumapit.
"Yung......"
"Yung ano? Yung ano Rain? May kailangan ka ba? Dalin na ba kita sa hospital? Uyy ano magsalita ka"
Hindi sya makapagsalita ng maayos dahil hirap pa rin syang huminga.
Tinuro nya yung bag nya kaya kinuha ko agad. Tinaktak ko yun at nakita ko ang lipstick, phone, face power, susi, wallet , notebook, tska inhaler!
Dali dali kong inabot sa kanya yun na ginamit naman nya agad.
Pagka take nya ng inhaler ay niyakap nya ako tska nagsimulang umiyak. Ewan ko pero naaawa ako sa kanya ngayon .
Binuhat ko sya papuntang kwarto ko. Hinang hina sya sa nangyari sa kanya. Inaatake na pala sya ng hika nya akala ko nahilo lang. Naalala ko may hika nga pala sya.
Paglapag ko sa kanya sa kama ko nakita kong tulog na sya.
Pawis na pawis ang noo nya. Mukhang nahirapan talaga sya.Kumuha ako ng bimpo ko tska ko pinunasan ang pawis nya.
Wow teka bakit hindi ako naiinis sa kanya ngayon? Himala. Ahhh siguro kasi inatake sya.
Napatingin ako sa bag nya. Hindi sa pagiging pakielamero pero syempre curious lang ako.