Grandma's POV
"Apo gising ka na. Ang daming nag aantay sayo. Bago na din ang bahay nyo." Sabi ko kay Vee na hanggang ngayon tulog pa din.
May pumasok na nurse para icheck sya.
"Miss bakit ang tagal magising ng apo ko. Akala ko ba successful ang operation."
Napangiti yung nurse sa akin. bakit kaya?
"Madam ganun po talaga lahat ng mga naoopetahan sa ulo. You just wait nalang po. Successful po ang operasyon nya kaya dont worry."
"Lakas mo makapositive vibes ihja."
"Thank you po. Sige po madam alis na po ako"
Pag alis nung nurse muli kong tinignan si Vee. Tinapik ko ng mahina yung braso ng apo ko.
"Successful naman pala yung operasyon mo kaya gumising ka na. OA mo eh."
Mukha na akong heplak nito. Kinakausap ko yung taong tulog.
Hope's POV
Napalingon kami kay dad na pababa ng hagdan. Nililibot nya kasi yung bahay. Niyaya nya kami na sumama sa kanya na maglibot pero wala ni isa sa amin ang sumama kaya lahat kami nasa living room lang naghihintay sa kanya.
"9 ang rooms ng bahay kaya may sobrang isa para sa bwisitang tulad ng uncle nyo."
"Grabe ka naman jacob." Angal ni Uncle.
"Iba iba ang mga style ng room. May style dun na siguradong type ni Seigy, meron ding type ni Rappy pero para patas meron akong challenge."
"Dad sabihin nyo na kung saan kami naka room inaantok na ako." Walang ganang sagot ni Chimin.
"Dami kasing alam eh noh." Sabat naman ni Uncle.
"Proceed dad" singit ni Kuya Jin
May kinuha si daddy na parang mga stick basta stick.
"Pito ang stick na hawak ko. May ibat ibang measurement ito, kung sino ang makakuha ng pinaka mahaba nakaroom sya sa bungad and so on. Ganun lang ang cycle ng game." Paliwanag ni dad.
Unang tumayo si chimin. Sunod naman si Jk.
"Wag nyo munang ipapakita para surprise" suggest ni Uncle.
Sabay sabay na kaming tumayo nila Rappy. Sa akin napunta ang huling stick syempre ganun talaga pag pogi.
"Place it here." Utos ni dad sabay turo sa center table sa harap namin.
(Seigy-Chimin-Hope-Jin-Jk-Rappy)
Pinagsunod sunod ni dad yung stick according sa haba nito.
Si Kuya seigy ang nakakuha ng pinakamahaba kaya sya yung nakaroom sa bungad.
"Pwede na kayong umakyat ng sabay sabay. Basta alam nyo kung sino susundan nyo." Saad ni Kuya Jin.
Umakyat na kami maliban kay kuya Jin at Dad.
Nasa tapat na ako ng kwarto ko. Iniisip ko ano kaya itsura ng loob? Sana type ko style ng room.
Pagpasok ko sa loob....
"Not bad." Bulong ko.
"Not bad talaga. Lahat naman maganda yung design ng kwarto. Manly house nga tawag sa bahay nyo. Astig diba?" Biglang sulpot ni Uncle sa likod ko.
"Ahm uncle pwedeng magtanong?"
"Wow bigla akong kinabahan dyan ah." Gulat nyang sabi tska sa humiga sa kama ko.