Natulala ako sa nakita ko.
Unti unti ng umandar ang truck kung saan nasa bubong pa din si cheska. Napadapa sya. Rinig na rinig ko ang iyak nya habang papalayo ang truck hanggang sa hindi ko na narinig dahil sa layo nya.
"Omg who's there?"
"Omg tawag tayo ng help girls!"
Bumalik ang sarili ko sa reality. I run as fast as I can. Kahit nararamdaman ko na ang sakit ng paa ko tumakbo lang ako ng tumakbo. Gusto ko maiyak sa gigil feeling ko ang bagal ng takbo ko.
Natanaw ko na ang truck nakita ko na si Cheska na mahigpit na nakakapit.
"CHESKA!!!" sigaw ko.
Author's POV
"CHESKA!!!!" Muling sigaw ni Seigy. Hindi makalingon si Cheska dahil sa nakakapit sya ng mahigpit.
Nadaan ang truck sa malubak na daan kaya dumudulas ang kamay ni Cheska sa tubong hinahawakan nya.
"Help me lord" bulong ni Cheska. Hindi sya tumigil sa pag iyak dulot ng kaba.
Takbo lang ng takbo si Seigy. Pilit nyang hinahabol ang truck kung nasaan ang dalaga.
"CHESKA!!!!! KUMAPIT KA LANG!!! CHESKA!!!" paulit ulit na sigaw ni Seigy.
"S-seigy tulong!!" Mahinang sabi ng dalaga.
Bumagal ang pagtakbo ng truck kaya mas nakalapit si Seigy.
"Mama!!" Iyak lang ng iyak si Cheska
"CHESKA NANDITO LANG AKO!! CHESKA KUMAPIT KA LANG!!"
may tumatawid na mga tao kaya napahinto ang truck.
"CHESKA ITS TIME TO JUMP!!! HURRY UP!!!"
unti unting tumayo si Cheska na may panginginig pa sa tuhod.
"TALON!!"
"N-na n-natatakot-"
"Dont worry sasaluhin kita kahit mahulog ka. Go jump!"
Pinunasan ni Cheska ang mga luha nya. Unti unti ng umandar ang truck. Pumikit si Cheska at tska tumalon.
Nawala ang singkit na mata ni Seigy ng tumalon si Cheska . Nasalo naman nya ito at pareho silang bumagsak sa sahig.
"O-ouch!!" Daing ni Seigy.
Nagsimula na namang umiyak si Cheska .
"Wag ka ng umiyak hindi ka naman nasaktan diba?"
Tumayo na silang pareho. Nagkaroon ng sugat sa balikat si seigy pati sa siko.
"Napaka troublemaker ko talaga." Nakayukong sabi ni Cheska.
"Haha napansin mo din?" Sarkastikong sabi ni Seigy.
Naging seryoso ang mukha ni Seigy nang mapansin nya ang gasgas sa pisngi ng dalaga. Napansin din nya ang nagdudugong balikat nito at tuhod.
"TIGNAN MO ANG DAMI MONG SUGAT! NAPAKA LAMPA MO KASI!"
"kinuha ko-"