Chimin's POV
Naramdaman kong gumagalaw ang kama ko kaya mabilis akong tumayo."LUMILINDOL!!!" Sigaw ko.
"Labidabs ako toh si shine. Ang tagal mo kasing gumising eh."
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
"Ay paulit ulit tayo? Ginigising ka nga diba?" Sabi nya sabay kindat.
"Hoy tama na ang lambingan tara na."
Napatingin ako sa taong nakatayo sa may pinto. Nakita ko si Jack na naka cross arm pa.
"Teka nga! Ano bang ginagawa nyo dito?!" Sigaw ko.
Tinulak ko si jack palabas ng kwarto ko at hinila ko naman si Shine palabas.
"Nahihiya siguro shine kasi ang kalat ng kwarto nya." Pang aasar ni Jack.
Napatingin ako sa kwarto ko at sobrang kalat nga nito. NAKAKAHIYA!!
" ok lang yan labidabs hahahaha" gatong naman ni shine. Sa sobrang hiya ko sinarado ko ang pinto ng kwarto ko. Narinig ko pang tumatawa sila sa labas kaya mas lalo akong nahiya.
Papasok sana ako sa CR nang lumabas dun si Kuya Hope.
"What the?!" Gulat kong sabi.
"Nakigamit ako ng CR wala kasing tulo dun. Ipapaayos ko palang mamaya."
"Ikaw ba ang nagpapasok sa dalawang yun?" Tanong ko. Pinukol nya sa akin yung marumi nyang damit sa mukha ko.
"ANO BA?!" inis kong sabi.
"Hindi ako! tanga! Si Rappy ang nagpapasok sa kanila. Bakit? Nahiya ka ba kasi ang kalat ng kwarto mo? Hahaha linis linis din kasi pag may time." Pang aasar pa nya.
Pinukol ko pabalik sa kanya yung marumi nyang damit. Natatawa syang lumabas ng kwarto ko.
"Bawas pogi points yan kay shine kapatid hahahaha"
"UMALIS KA NA NGA?!" Inis kong sabi.
Dali dali kong pinulot yung mga kalat ko. Sa susunod nga mag lalagay na ako ng basurahan dito kainis bakit ko ba kasi sa sahig tinatapon yung pinagkainan ko!
Pinulot ko isa isa lahat ng maruming damit ko. Nilagay ko sa isang..... ay mali dalawa palang basket. Hayy ang dami kong lalabahang damit. Kainis kasi si dad ayaw talagang magpakuha ng katulong.
Inayos ko na ang kama ko. Nagsimula na din akong mag walis.
After 30 mins of suffering natapos na ako sa paglilinis ng kwarto ko.
Kumuha ako sa closet ko ng damit at nilapag ko sa kama.
Pumasok na ako sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako.
Pagbaba ko nakita ko si Jack at Shine na nagpapaluan ng unan. Medyo nainis ako kasi ginugulo nila yung bahay.
"Hoy tama na sa harutan. Tara na." Sabi ko. Nauna na akong lumabas sa kanila dahil inayos pa nila yung ginulo nila.
Habang naglalakad kami sa hallway makakasalubong namin yung mga nambully kay Jack.
"Tara dun nalang tayo dumaan" pagpapalusot ni Jack.
"No. Sasalubungin natin sila." Sabi ko.
"Tama. Wag ka ngang matakot sa kanila basta pag nandito kami ni labidabs safe ka kung di namin kaya pwes kayanin mo." Dagdag pa ni Shine. Natawa ako sa sinabi nya. Baliw talaga yong babaeng to.