Pag asa

20 1 0
                                    

Nakaupo lang ako dito sa pwesto ko sa bar. Tinitignan ko lang ang kilos ni......ay ang bobo ko nag apply sa akin hindi ko alam ang name.

"JOVEL!" sigaw ko para marinig nya. Ang lakas kasi ng music dito.

"BAKIT?!"

"LUMAPIT KA GAGO" 

Pagkalapit nya ay hinila ko yung kwelyo nya para bulungan sya.

"Anong name nung babae?"

"Sinong babae? Bitiwan mo na nga ako. Yan lang itatanong mo nakabulong pa." Reklamo nya.

"Tanga ka? Syempre maingay. So ito na nga ang tanong ko. Anong name nung bagong waitress natin?"

"Ahh yung nag apply sayo?"

"Ay hindi baka yung nag apply sayo." Sarkastiko kong sabi.

"Lovely Cruz." Sagot nya.

"So pwede ng umalis may inaasikaso pa kasi ako."

"Aba hindi porket kaibigan kita ganyan ka na sa akin ah. Boss mo pa din ako."

"Yun nga nga eh. Ano gusto mo samahan kita dito o hayaan ko nalang na walang mag asikaso dun."

"UMALIS KA NA NGA!!"

"Hahaha high blood."

Pag alis nya ay lumingon ulit ako kung nasan si Lovely. Napakunot ang noo ko ng makita kong umiiyak sya sa harap ng customer. Hawak nya yung tray at nakaharang ito sa hita nya. Hinawakan sya sa braso ng isa pang lalake pero umiiwas si Lovely. Napag pasyahan ko nang puntahan sya.

"May problema ba dito?" Sabi ko.

Napatingin sila sa akin pati yung mga customer ko sa ibang table.

"Ito kasing babaeng to pakipot pa" sabi nung lalakeng nakahawak pa sa braso ni lovely. Nakayuko lang si lovely at patuloy na umiiyak.

"10k na nga ayaw pa." Dagdag naman nung kasama ng lalakeng nakahawak sa braso ni Lovely.

Nag iinit ang ulo ko sa mga taong tulad ng mga hayop na to eh.

"Bitawan mo sya." Sabi ko.

Binitawan naman sya agad nung lalake.

"Sa lahat ng mga customer ng bar na to makinig." Sigaw ko. Nagsenyas si Jovel sa DJ na ihinto ang tugtog.

"Wala kaming binebentang babae dito, wala kaming babaeng binubugaw or dancer na hubad sa stage. Im too young to manage that kind of shit! Hindi ito beer house or bar lang sa kanto. Ang waitress ay waitress lang. Ang bar na to ay para sa taong masaya na gustong mag celebrate, sa taong malungkot na gustong makalimot, at sa taong masabi lang na nagbar. Mataas ang standard ng bar ko kung hindi nyo pa alam. At sa bar KO  may rules at yun ang wag na wag nyo babastusin ang lahat ng tauhan ko dahil parang binastos nyo na ang taong may ari ng bar na to. At sa lahat ng gagawa ng bagay na yun ay kailanman hindi na makakatuntong sa bar ko." Mahabang kong sabi. Nagiging seryoso ako pagdating sa mga tauhan ko.

Walang nagsalita kahit isa. Ang bar ko na maingay ay parang kwarto na ni kuya Seigy sa sobrang tahimik.

Tinignan ko ulit si Lovely at nakayuko pa din sya. Yung dalawang gago naman mukhang naiinis siguro kasi napahiya ko at yung iba naman nagbubulungan.

"Play the music DJ!!" Sigaw ni Jovel. Panira ng moment tong lalakeng to. Nagdadrama pa ako.

Nagsimula ng tumugtog ang masayang kanta at nagsibalikan na ang iba sa kanya kanya nilang ginagawa. Hinila na ni Jovel si Lovely paalis at ako naman tinitigan ko lang yung dalawang manyak na to.

The BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon